Confession 37

312 30 5
                                    


May naging kaibigan ako na itinuturing ko ng parang sariling kapatid. Nagkakasiyahan,Parating nagkukulitan, Nag kakainitan, minsan nga nauuwi na sa away pero kahit ganon nagkakabati pa rin kami. Netong mga nakaraang araw hindi ko maintindihan,kung bakit hindi siya namamansin. Tinanong ko diya subalit para lamang akong isang hangin. Simula non hindi ko na rin siya pinansin,nakikita ko rin na masaya siya sa mga NEW FRIENDS niya, nakakairita bestfriend niya ako tapos gagantuhin niya ako, ako ang nag alaga sa kanya ng wala ang mga magulang niya, iniintindi ko siya kahit minsan nahihirapan ako. Mahigit 3 to 6 months kaming ganon until one day malalaman laman ko ang dahilan kung bakit, Isang napakaliit na bagay na siya mismo ang nagpapalaki. Kinausap ko siya ng masinsinan at doon ko nalaman ang pinaka masakit na salitang narinig ko mula sa kanya "Kahit kailan hindi kita itinuring na kaibigan, at iyong mga nakikita mong mga kasama ko, sila ang TUNAY" nasaktan ako ng sobra, mas masakit pa sa pagmamahal.

- L| female

Wattpad Confessions 1 (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon