Confession 15

611 47 13
                                    

Bago ang lahat... Kaway-kaway sa mga WC players diyan, eksdi. Wag niyo tong basahin, mahaba to.Actually naglalaro na ako ng WC nung 9 years old pa lang ako, jejemon pa ako nun. Hahahaha, palipat-lipat ako ng world. Tapos kunwari english speaking, ganon. Pero after how many months nagsawa akong maglaro ng game na yun. So, siyempre, dinelete ko sa buhay ko. Sa tab ko pala. Then after how many months, namiss ko yung laro. Hinanap ko sa playstore pero di ko na mahanap. Di ko alam na napalitan pala yung icon. Then after how many months ulit, tinry kong i-download yung isang app, worldcraft ang nakalagay eh, then yun, tama nga, yun na yung WC na hinahanap ko ng 1 year and ewan ko kung ilang months. Hahahahahahaha, tagal noh? So 11 years old na ako nung naglaro ako ulit. So balik sa dating ginagawa, punta ng iba-ibang world, then maghahanap ng kaibigan then the next day, mawawala rin naman sila, kainis. Nung nagsawa na ako sa mga worlds na pinupuntahan ko, sinubukan kong maghanap ng ibang world. Until I found pilipinovacation. Since maraming tao, tinry kong pumasok sa world na yun. Then yun, kahit simula ko palang dun ay ang kulit ko na. Ang ingay ko na at binubully ko yung iba. Naalala ko pa yung Kelly yata ang username, sabi ko "Kellykelly". Hahahahaha, ang lakas ng trip ko nun eh. Then after how many minutes, may lalakeng pumunta sa world. *Ehem* Actually, yung username niya ay name ng artista. So, dahil gaya-gaya ako. Umalis muna ako sandali sa world then nagpalit ng name ng artista rin. So dahil loveteam naman yung pangalan nung usernames namin ay nagkakilala kami. Then pinalitan ko yung last name ng username ko na pareho sa last name rin ng username niya. Echosera ako eh. Hahahaha, then bahala na yang part na yan, nakalimutan ko narin. So may nakilala akong mga kaibigan. Then yun, nag-wc kaming apat nina A1, A2, D, at Ako. Hanggang sa nagspread na kaya dumami kaming wc players na nagwawattpad. So sa wattpad, may nanligaw sakin pero di ko pinansin. HAHAHAHA! Snobber ako eh. So skip part na yang mga yan.Dahil nga rin pala sa worldcraft nagmahal ako at iniwan. There's this guy na nanligaw saakin. So sinagot ko. Then yung dating nanligaw sakin, nagkagirlfriend din yun, dalawa, sina M at yung A2. Pers lab niya si A2 pero nagawa niya paring magmahal ng iba, actually marami pero si M ang first girlfriend niya then iniwan niya dahil narealize niyang mahal niya si A2. Eh teka, ba't ba buhay niya kinukwento ko? So ayun nga kami na, siyempre yun nga, kaechosan ganyan-ganyan. Then skip ulit tayo. Nung October, hiniwalayan ko siya, siyempre may reason. Pero di dahil may mahal na akong iba. LOYAL PO AKO. So yun nga, umalis ako, pero bumalik din naman ako. So ayun nga after few days nung pagbalik ko, naging kami ulit. Pero di nagtagal, nung November, siya naman yung nakipagbreak. Siya naman yung nang-iwan. Siyempre, masakit. Pero after nun nasanay narin akong wala siya. Masayahin parin ako kahit anong mang-yari pero may kulang.Pero sorry siya, dahil this February, nakamove-on na ako. Narealize kong di siya worth it. So yun, siguro nga pinagtagpo lang kami, di pinagtadhana.- YDKM

Wattpad Confessions 1 (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon