An open letter for you, hindi ko alam kong paano ko uumpisahan ito, ang dami kong gustong sabihin sayo noon hanggang ngayon. Kamusta kana ? Siguro yan muna ang gusto kong sabihin ngayon , ang sakit padin pala ng wala ka , akala ko hindi na tayo maghihiwalay umasa kasi ako ng husto . Sa ating dalawa hindi ko alam kung sino ang may mali , o pagkukulang basta nagising nalang ako wala kana , wala na yung relasyon nating dalawa . pinaglaban naman kita diba ? Kahit na ayaw sayo ng magulang ko kasi mas matanda ka sa akin ng ilang taon . lumaban naman ako diba ? Kahit na galit na galit na sa akin ang mga magulang ilang beses ba nilang sinabi na hiwalayan na kita ,? Pero hindi ako bumitaw , pero bakit ikaw ? Bigla ka nalang nagbago . bigla ka nalang maglaho , wala maduga ka pala nangiiwan ka sa Ere , iniwan mo ako sa gyera na pinasukan nating dalawa , masaya naman tayo nooj , mahal mo ako mahal kita , kuntento naman tayo sa isa't isa , madami na nga tayong pangarap diba ? Paggraduate mo magtratrabaho ka at pupuntang ibang bansa para makaipon , para makatulong sa pamilya mo , para makaipon sa kasal nating dalawa na pinalano naden natin . at habang ako inaacheive ko ang mga goals ko sa buhay, mga gusto kong mangyari . paano na yung pangako natin na magtratravel tayong dalawa sa iba't ibang bansa , paano na yung future anak natin ? Na papangalanan nating dalawa . paano na yung bahay na ipapatayo natin na ikaw mismo ang magdedesenyo paano na yunh lahat sa atin ?, bakit kasi ang duga mo bakit mo kasi ako iniwan ?, ilang taon naba ? Mula ng maghiwalay tayong dalawa ? . pero yung sakit at pagmamahal nandito padin pala , bakit ang bilis mo itapon yung pinagsamahan nating dalawa , kamusta naman yung 5 taon na pinagsamahan natin ?, tatlong taon ka ng wala sa akin . gusto lang kitang batiin na happy 8th Anniversary kung naaalala mo pa Congrats din pala Balita ko Ikakasal Kana , panahon na para kalimutan ka . PAALAM mahal .- Whim | Female
BINABASA MO ANG
Wattpad Confessions 1 (CLOSED)
Short Story( A/N: Simpleng rule lang, wag pong putulin yung pag send sa confession at wag masyadong mahaba. )