admit na pag may crush o kaya ay inlove ako, after some time ay nagsasawa ako. Sabi nga ng mga kaibigan pati na mga relatives ko, sawain daw ako. Pero iba na siguro tong nararamdaman ko kay Stephen. Matagal tagal ko na siyang gusto eh. Hindi naman talaga sana siya ang crush ko (akala niya nga yun parin ang crush ko hanggang ngayon hahaha di siya aware na siya pala) kaya lang napansin nung bestfriend ko na madalas ko nang nakukuwento si Stephen and all the fun stuff we do or talk about. Sabi niya, "Sino ba talagang crush mo? Ba't puro ka Stephen?" And I realized, oo nga no? Akala ko isang balakid lang yung Chinese siya (at ewan ko pero mukhang mahadera ang nanay niya, hila hila siya nung graduation last year kaya wala kaming picture) at sobrang yaman (feeling ko nga nasa wattpad story ako na langit siya, ulap lang ako. Oo hindi ako lupa, kaloka di ako dukha no.) Nasa DLSU na siya ngayon, ako Atenista. Pero medyo madalas parin kaming magchat. Nakakamiss dahil nakakatuwa siyang seatmate, at isa ako sa mga babaeng open niyang kausapin. Tahimik siya sa iba kaya feeling ko special ako (siopao lang?) Siguro pinapaasa ko lang ang sarili ko sa wala. Sa pagtagal tagal marami rin akong naisip na "pa'no kung" dahil dakilang assumera ako. Minsan kasi naiisip ko, pano na pag graduate namin ng college at imbes na masurpresa ako dahil dumating siya, masurpresa ako dahil may girlfriend na siya o di kaya fiance diba? Sana maisip niya na sa lahat ng pag uusap namin, may chance naman kami kahit papano. Ipaglalaban niya ko at ipaglalaban ko siya (cheesy pero why not? Dream big, ika nga.)Pero may nabasa akong quote kagabi at si Stephen agad ang naisip ko. "Burn the bridge that connects you to things that hurt you" or somewhere along those lines. Nagdadalawang isip parin ako madalas kung magcha-chat ba kami o ano, kung aasa ba ako o ano, kung papaasahin niya pa ako lalo o ano. Sa ngayon, di ko parin talaga mab-burn ang bridge na nagkokonekta sakin kay Stephen kahit medyo masakit isipin ang umcertainties na dala nito. Mahirap... kaya sana kahit sunugin ko na yung tulay, siya naman ang gumawa ng paraan para magka-tulay.
- jocolate | female
BINABASA MO ANG
Wattpad Confessions 1 (CLOSED)
Historia Corta( A/N: Simpleng rule lang, wag pong putulin yung pag send sa confession at wag masyadong mahaba. )