Ganito kasi yun. May project kami sa Bio tapos Pedigree study yun. Di ko alam kung anong ilalagay ko dun kasi di ko kilala yung tunay kong mga magulang. Yung teacher namin sa Bio, alam niya kung ano ang naging takbo ng buhay ko kaya tinulungan niya ako. Nag hire siya ng isang studyanteng tutulong sa akin na hanapin o kilalanin ang totoo kong mga magulang. Actually, patay na yung totoo kong mama yung papa ko naman, buhay pa ATA.
Hanggang sa isang araw, chinat ako nung ni HIRE ni ma'am sa aking studyanteng lalaki para tulungan ako sa project. Sabi niya "Hoy babae! Magkita tayo mamaya sa Sci Tech Building. 2nd floor. 3:30 pm SHARP." kaya ayun pumunta naman ako.Sabay naming hinanap at kilalanin ang magulang ko kasi never ko pa kasi nakita mga magulang ko.
After 1 week, napasa ko na rin sa wakas yung pedigree study ko ng dahil sa kanya. Thanks to him ^^ After 3 months, March na!! Birthday ko naaa... ^^ naging close kami ni ******** kasi nga halos araw araw kaming nagkikita. CHOSsSSSss..
Ako lang ang nag celebrate ng 17 birthday ko kasi yung totoo kong mama is namatay nung pinanganak ako. Yung totoo kong tatay naman, di ko na alam kung san' na yun. Iniwan na ako eh. Sa tita ko na kasi ako tumitira eh wala rin naman siya dito palagai sa bahay nila eh kasi palagi yun nasa ibang bansa. Business trip daw -_- ..
May kumatok sa pinto. Pag bukas ko, nakita ko si ******** yung lalaking tumulog sa akin. May dala siyang cake. Yun lang naman -_- pinapasok ko siya at pina upo. Nag celebrate ako ng 17th birthday ko kasama siya. Boring. Nagkwentuhan lang kami at nabigla na naman ako ng sinabi niyang may isa pa siyang regalo. Pagkatapos nun, may pumasok na isang lalaki. Di ko siya kilal syempre. Pagkatapos nun, lumuhod yung pumasok na lalaki sa harap ko syempre nagulat ako.
Tinanong ko siya kung sino siya sabi niya...PAPA ko raw siya! OwO tapos niyakap ko siya kasi sabik na sabik na akong maranasan kung ano ba talaga ang feeling pag kayakap mo yung sarili mong ama.
AFter 1 year, dinala na ako ni papa sa ****** sumama na ako sa kanya. Di man lang ako nakapag thank you kay ******** kasi nawala na siya eh. T_T pumunta na siyang langit T_T huhuhu.. I miss him.. Thanks to him.. Nakilala ko ang tunay kong ama. Hinanap niya pala ang papa nang wala akong ka alam alam. Namatay siya dahil sa luekemia... Ahuhuhu T__T
Gusto ko siya.. Pero noon yun.. Wala na siya eh ●︿●
- Maxx_
BINABASA MO ANG
Wattpad Confessions 1 (CLOSED)
Short Story( A/N: Simpleng rule lang, wag pong putulin yung pag send sa confession at wag masyadong mahaba. )