Hiiiii hahaha mangugulo muna ako ah? Honestly, nalilito na ako. May isa kasing boy, tawagin natin syang HU haha bespren ko sya. Last month ata yun nung umamin sya sakin, di ko yun sineryoso at inintindi kasi may mahal akong iba, bestfriend ko din, sya talaga ang mahal ko, alam ko yun pero lately nawawalan na sya ng time sakin. Si HU after niyang umamin last month, nawala lang siya bigla na parang bula at ngayon bumalik na siya at nalaman kong may nililigawan na pala pero sabi niya tinigil na niya kasi hindi siya sure kung mahal na ba niya yung nililigawan niya. Mga time na wala yung mahal ko, siya yung nandyan, pinapatawa ako. Tas kahapon pinilit ko siyang sumali at mag confess dito sa WPC ayun napilitan haha. Sa confession niya, sabi niya gusto niya daw girl bestfriend niya. Sa mga tinatanong ko kahapon about sa crush niya, related sakin haha xD baka assuming lang talaga ako or ewan hahaha pero di naman ako manhid para hindi mafeel yung feelings niya lol gulo haha. Kanina kimukulit ko siya about sa crush niya, sabi niya aamin na daw siya bukas sa crush niya at di muna magpaparamdam sakin. Tsk! Bat niya ako dinamay? Di ako manhid pero ayokong mag assume haha. Tss iiwan niya ako, syempre malulungkot ako kasi nga bestfriend ko siya, pero yun gusto niya eh. Kung nabasa mo to, edi wow xD hahaha seryoso na xDDear HU,
Kung nababasa mo man ito ngayon wag kang aalis kung pwede lang, ayokong mawalan ng best friend eh. Mamimiss kitaaaaaaaXD sorry kung di pwede ah? Wag kang mag-alala may tamang panahon din para sayo. Yun lang. Ayokong mag drama hoy! Ano ka sinuswerte? XD
PS: Panget mo
~Lola | female
BINABASA MO ANG
Wattpad Confessions 1 (CLOSED)
Short Story( A/N: Simpleng rule lang, wag pong putulin yung pag send sa confession at wag masyadong mahaba. )