Hello nagbabalik si Kapeput the sikund Mwhehe. Magku-kwento ulit ng korneh (Okay wala kayong pake.) Basta ito na nagbabalik ako (wala pa rin kayong pake) So eto na nga (Tngna wala sabi kayong pake) Basta ako magsisimula na ng kwentong walang kwenta Orayt (Sabing wala kayong pake eh -.-)
Grade 2 ako non. Habang nagkakaklase kami, napautot ako ng malakas sinisi ko yung katabi ko kasi ang baho talaga. Yung halos naglabasan silang lahat Ayun iyak siya hahaha (Wala pa rin kayong pake.) Meron pang isa (Wala talaga kayong pake) 1st year highschool ako non at mahilig kaming maglaro ng bangsak ng mga classmate ko. One time naglaro kami tapos sumali ako kahit taeng tae na ko, nagtago ako sa likod ng drum na malapit sa C.R sa sobrang excitement ko at kaba na baka makita ako ng taya ay biglang bumulwak yung tae ko sa brep ko. nagpunta ako agad sa kubeta para linisin at itaapon yung brep ko (itinapon ko yung brep ko sa likod ng indidoro) Yung akala kong okay na ang lahat, bigla akong nakita ng classmate ko sa cubicle at nakita nya yung naka-kalat na tae so ginawa ko dineny ko at sinabing hindi ako gumawa nyan. Pero may pagkakamali pala ako dahil hindi ako naging maingat kasi lahat ng brep ko that time ay may name ko. (Ewan ko ba kung bakit nilagyan ni mommy ngpangalan yung brief ko) So ayun wala pa rin kayong pake.-Kape the 2nd/ Dunno the gender
BINABASA MO ANG
Wattpad Confessions 1 (CLOSED)
Kurzgeschichten( A/N: Simpleng rule lang, wag pong putulin yung pag send sa confession at wag masyadong mahaba. )