Napadpad ako sa wattpad, ewan ko ba. Dati kasi puro basa lang ako hanggang dumating yang mga yan sa buhay ko hahaha. Joke lang! Wala pang 2 weeks, nagkaaway na ako. Bagay talaga name ko sa akin. Nagkaroon ako ng ilanv kaibigan at friendly sila at mababait akala ko nga mga snobber eh hindi pala. Tapos yung isa kong friend ngayon, binanggit sa akin yung kik at dinownload ka nga. Weird yung name no? Kik? Hahaha. Gabi nangyari ang nakakaewan na pangyayari. Lol. Nagchat ako kay ****** babae siya. tapos di ko naman akalain na flirting daw pala yung sinasabi ko. Ang tanga ko. I made my first enemy here. Pagkatapos, matutulog na sana ako dahil 12:00 am na pero may nagmessage sa kik. Si ***** lalake. Galit na galit at nagmura. Wala akong nagawa kung hindi depensahan ang sarili ko. Misunderstanding to. Trash talk talaga yun at hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi ko at pinagsasabi niya. Ang alam ko, di ako magpapatalo. Talagang sinubukan kong wag magpaasar. Kinaumagahan, nag message siya kaya gumanti rin ako. Ang sama ko. Hahaha. Pero sa tingin ko naman, tama rin ito dahil hindi niya muna inalam ang pangyayari. Pero, ang tanga ko parin. I'm not a wise man. nagmessage na lang ako sa iba. Walang magawa. Dumating ang tanghali, nag online ata siya. Dali-dali kong chinat. English ang main language ko na ginagamit kaya sinusubukan niya rin pero hindi niya alam na gagamitin ko yun sa kanya. Nakakalito ba? Kinorrect ko mga grammar mistakes niya. Nagmessage ako kay ***** na kaibigan ko at sinabi ang mga pangyayari. Sa hapon, nag-on ulit siya. Sinabi ko naman sa kanya ang mga mapang-asar na jokes sa google. Lol, copy paste pa. Yung "Your momma." Shet. Ang tanga ko. Pero kahit makipagbati, hindi niya gagawin dahil niligawan ko daw gf niya. At todo galit niya. Kaya nagpakamasa na ako. Medyo madami na akong kaibigan pero si ***** at si ***** palang napagsasabihan ko. Ayoko kong lumala ang sitwasyon. Naapektuhan narin ako. You know, as Fast forward. Binlock ko siya. Pero pagtingin ko sa group chat, may kung anong nangyayari. Nang-aasar siya. Inunblock ko siya. Nagkainitan kami ni kaaway at umabot na sa group chat. Bago pa ako. Lol Gumanti at hindi inisip ang mga ibang chatter na nasa kik group chat. Nainis si friend. At naisip kong mali ang ginagawa ko. Binlock ko ulit si kaaway. Nagleave na lang ako at pumasok sa isipan ko na iblock na din si ****** na gf ni kaaway. Nagmessage pala gf niya. Galit na galit din. Babae siya pero... Wala akong nagawa. -.- Nakipagchat ako sa kanya. Sinabi niya na panget DAW ako at kamukha ni Marlou at wala daw akong karapatang sabihan siyang malandi. (Ahem, magtulungan kayo.) Akala ni girl maganda daw ugali ko. Lol. Gumanti ako. Sabi ko naman sa pang-aasar niya "Nakailang filter ka na?" Nakonsensya ako. Alam kong babae siya pero grabe na eh. Pati ba naman mukha ko dinadamay? Di pa nga kami nagkikita eh. Pati siya ang nauna. Di ko na nga chinat eh. Sinend ni kaaway na bf niya yung convo namin. Doon nagsimula. I returned. English ginamit ko para di masyadong tagos. Feeling ko pinagtutulungan na ako. Oo nga pala, ako yung war freak. "Conscience slowly eating me." Yan ang nasabi ko sa huli. I surrendered. Off na siya nyon. Kaya sinubukan kong itama ang pagkakamali ko kahit na labag sa feelings dahil may nasabi din akong hindi maganda sa kanya. Umabot pa talaga dito. Nagmessage pa ako at nagsorry. Sinabi ko na walang magagawa ang sorry pero ayoko na makipag-away. Naisip ko ang kasabihan na "A wise Man surrenders..." basta ayun na yun. XD Yun. Nag-kaayos kami. Totally not. Sinabi niya na Iunblock ko daw bf niya dahil may mahalagang sasabihin. Yung time din na yan, sinali ulit ako sa gc. Wala akong magawa kahit ayoko na. I feel so guilty. Naremove sila. Sinabi ni kaaway, wag ko daw tawaging babe gf niya. "Lol, pre joke lang yun." Parang ganyan ang pagkakasabi ko. Sinabi nilang dalawa, wag na daw akong magmessage pa. Sinunod ko sila. It's like we're strangers now.
Lesson learned, Wag makikipag-aaway kahit grabe pa man yan. Shet. Parang ako yung dahilan kung bakit nagkagulo yung gc namin sa kik. Mali ba ako o silang dalawa. Flirting and complimenting. Ano ang pagkakaiba? Sorry talaga guys, kung humantong pa dito. I really made two enemies here on Wp & kik. Wala pa akong two weeks sa mundo nyo. Feeling ko nasira sila.
- DanTDM | male
BINABASA MO ANG
Wattpad Confessions 1 (CLOSED)
Short Story( A/N: Simpleng rule lang, wag pong putulin yung pag send sa confession at wag masyadong mahaba. )