Confession 75

259 32 6
                                    


10 years na kaming nagsasama ng live in partner ko at may dalawa kaming anak pero hindi pa kami kasal sa tagal ng panahon ng aming pagsasama... pero nung mabuntis ako sa panganay namin, ang usapan namin magpapakasal kami after ko manganak. 1 month after ko manganak sa first baby namin, binaggit ko sa kanya ang kasal. Ang sabe ko lang naman, kelan natin aasikasuhin yun kasal natin? pero hindi ko inaasahan yun magiging sagot niya sa akin... "Bhe parang ayoko ko pa kasing magpakasal kasi hindi ka pa perfect" Hindi ako nakapagsalita dahil sobrang na shock ako sa sinagot niya sa akin at nung mahimas mahimasmasan ako sabay sinabe ko sa kanya... dapat pala hinintay mo muna ako maging perfect bago mo ako binuntis. Hindi ako nagpahalata na nasaktan ako sa sinabe niya at ilan gabi ko rin yun iniyakan. Sobrang nasaktan talaga ako at mula nun hindi ko na binanggit sa kanya ang kasal. Mula nung nagsama kami, ugali niyang umuwi ng lasing at sa kotse na siya natutulog dahil hindi na niya kaya pang bumaba sa kotse sa sobrang kalasingan. Nagpapasalamat nalang ako sa diyos dahil ligtas parin siya nakakauwi kahit na lasing siya at nagmamaneho pa siya ng kotse. 5 o'clock ng umaga, pinupuntahan ko siya sa kotse niya at gigisingin ko siya para alalayan papasok sa loob ng bahay namin. Actually, kasama namin sa bahay ang buo niyang pamilya at siya lang ang mag isang bumubuhay sa amin lahat. Kahit gusto ko bumukod ng bahay, hindi ko kaya dahil naaawa ako sa pamilya niya. Hindi ko ugali makialam sa cellphone niya at never ko din pinagdududahan ang katapatan niya sa akin pero isang araw, naglilinis ako ng kwarto namin at hinawakan ko yun cellphone niya para ilipat lang nang lagayan...pero nabigla ako dahil bigla niyang hinablot sa kamay ko ang cellphone niya at lumabas ng kwarto sabay sabe na may tatawagan daw siya. Kinabahan at kinutuban ako sa kakaibang naging reaksyon niya kasi first time kong nakita siyang ganun. Weird diba...? Isang gabi, naalala ko yun mga picture nung bagong panganak ako at naka save lahat yun sa cellphone niya. Every Saturday at sunday night, magdamagan siyang nasa labas para maglaro ng online games at palaging madaling araw na ang uwi niya. Hinahayaan ko nalang siya na mag adek sa games kesa mag adek siya sa ibang bisyo.

Wattpad Confessions 1 (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon