Confession 125

178 19 0
                                    


Ako yung tipo ng tao na pag may problema yung kaibigan ko problema ko na rin. Mabilis ako maawa. Iyakin nga raw ako e. Totoo naman. Mabilis ako masaktan. May pagkaisip bata ako. At dahil sa pagiging pakielamera ko sa buhay ng iba para lang makatulong. Nakilala ko siya este kilala ko na sya. Mas napalapit nga lang kami. Nasa iisa kaming tropa. Naging magbestfriend kami, gabi gabing chat etc. Wala akong planong magkafeelings sa kanya. Dahil nga bestfriend lang talaga. Sobrang caring niya, sikat din siya sa school kasi gwapo daw -_- Oo na. Gwapo na. Mabait pa, madali ka talagang mafafall. Palagi ko talaga siyang kachat kahit na palagi rin kaming magkadikit sa school. Hindi ko nga maidentify kung bestfriends lang ba talaga kami o m.u na or whatever. Tinatanong niya ko palagi kung kumain na ba ko? Kamusta araw ko? Wag ako magpapaambon, magpayong ako, matulog na ko etc. Lahat na. Lahat na ng gawain ng isang boypren. Pero kahit ganon i treated him as a bestfriend. No more no less. Hanggang sa pisikal na. Andyan na yung nagshashare kami sa iisang pagkain, iisang cup, iisang straw, iisang kutsara o tinidor. Kung ano pagkain ko makikihati siya palagi. Sinusubuan niya pa ko at tinatawag akong bata. Isang beses may naramdaman akong kakaiba. Sa sarili ko. Wala akong alam ganto kasi nbsb ako. Isang linggo ko syang hindi pinansin. Sabi tatry ko kung ano ba talaga to. Nalaman ko nafall na pala ako kay bestfriend. May endearment pa nga kami e. Sya si batchoy ako si bulalo haha nakakatawa. Sa loob ng week na yon tiniis ko siya. Alam kong pinapakiramdaman niya ko. Kinakausap niya ko pero hindi ko siya pinapansin hanggang sa hinayaan niya na lang. Kasi naisip ko, pano ako? Pano na kung mawala na siya. Nasanay na kong palagi siyang nandyan para sakin. Ayoko natatakot ako. Kaya ako lumayo. Pero hindi ko na kaya. After ng 1 week na yon, wala.

Tinanggap ko na lang sa sarili ko na okay nafall na ko. Papanindigan ko na to. Wala e. Mahal ko na siya. Nagsorry ako sa kanya... Bestie kami ulit. Pero mahal ko na siya. Hindi ko masabi. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na baka bigla na lang siyang mawala </3 Tanggap ko na na nahulog na ko. Pero ang masakit lang. Kung kailan tanggap ko na na gusto ko siya.... Saka siya nahulog sa iba. Kaya eto ako ngayon. Nagpapanggap na okay sa harap niya. Pinipilit kong maging okay. Pinipilit kong tanggapin. Minsan napapaisip ako. Kung sinabi ko ba agad sa kanya... Kami ba sana ngayon? Hindi ba sana ako nasasaktan ng ganito? Sa tuwing kinakamusta niya ko, gusto ko na lang sabihin sa kanya na hindi, hindi ako okay kasi ansakit sakit na. Pero hindi ko kaya. Kasi ayoko siyang mawala. At the first place kasalanan ko naman to e. Kasalanan ko.

-gameover | female

Wattpad Confessions 1 (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon