Summer noon nang lumipat sila ni R sa subdivision namin.Nakita ko siyang nakaupo sa loob ng tricycle kasama yung mga kababata ko. Pero bago yun, inutusan ako ng kapatid ko na bumili. Since matagal na yun, nakalimutan ko na kung ano man yung pinapabili niya. So ayun, na-curious naman ako kung sino siya. Pinakilala siya sakin nina J at N (mga kababata ko). Sila daw yung bagong lipat. Tapos simula noon, kalaro na rin namin siya.Naalala ko, pumupunta pa kami ng kapatid ko sa bahay nila para maglaro. Hanggang sa sabi nung pinsan niya na crush daw ako ni R. Eh ang bata pa namin nun at wala pa sa isip ko yung mga bagay na yun, kaya binalewala ko lang. Naglalaro pa rin naman kami pero minsan na lang ako kung sumama kasi adik ako sa computer noon. Kaya naging taong bahay ako for the summer.After ilang years, ngayon na high school na kami pareho ko lang ulit siya napansin . Kung dati siya ang may crush sakin, baliktad naman ngayon.Since mas bata siya sakin, hindi rin naman nagtagal ang pagkagusto ko sakanya.Ngayon, may nililigawan na ata siya. Tawagin nalang natin siyang si G. Kanina, magkasama sila at sa harap ko talaga dumaan. Yung mga kaibigan ko, tinukso pa ako pero poker face lang. Kagaya nila, napatanong rin ako kung SILA NA BA. Kung oo, wala naman akong paki.Aaminin kong na-bo-bother ako ngunit hanggang dun lang yun. Gaya ng palagi kong ginagawa, in-ignore ko na lang.Ignorance is bliss, after all.--bonnibel / female
BINABASA MO ANG
Wattpad Confessions 1 (CLOSED)
Historia Corta( A/N: Simpleng rule lang, wag pong putulin yung pag send sa confession at wag masyadong mahaba. )