Chapter 8: Bonding with Hubby
Aria's POV
Badtrip naman 'to si Keith ang aga-aga akong ginising tapos ngayon sinasama niya pa ako kung saan man. Kanina pa nga ako nagtatanong kung saan kami pupunta pero hindi manlang sinasagot ang tanong ko. Ang laging sagot sakin 'just wait...malapit na tayo'.
Hinihingal na ako sa kakalakad namin plus the fact na ang init-init pa kaya nagsisimula nanaman akong mainis.
Nag stop kami sa di ko maipaliwanag na lugar. Basta may helicopter sa sa paligid namin.
Naglakad pa kami papasok doon sa lugar na yun tapos may nilapitan kaming lalaki. I think he's age is around 50 or something. Then may binigay kay Keith na susi.
Tahimik lang akong nagmamasid sa paligid at tinitiganan silang dalawa.
"Okay na ba ang lahat?" Tanong ni Keith dun sa lalaki.
"Yes Sir Keith! Safe po yan. Na check na namin yung machines at functional naman lahat. Don't worry naka back-up po kami sa inyo." Sagot naman nung lalaki. Ano bang pinag-uusapan nila.
After magsalita nung lalaki ay nagulat nalang ako nang bigla akong hilain ni Keith palapit doon sa isang helicopter.
"Hey Keith kanina mo pa ako kinakalad ka ahh! Saan ba kasi tayo pupunta?" I asked him nervously. Kinakabahan na kasi ako sa kaniya eh. May pakiramdam ako sa gusto niyang gawin.
"Sasakay tayo sa helicopter." He simply said.
"What? No way! Kung gusto mo ikaw nalang. Hindi ako sasakay diyan." Sabi ko habang kumakawala sa kamay niya pero mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa akin at hindi talaga ako hinayaan na makaalpas sa pagkakahawak niya.
"Hindi naman nakakamatay to. Wala kang dapat ikatakot, kasama mo ako. I will protect you."
Panandalian akong natahimik at nag-isip. Iba kasi ang pakiramdam kapag sa helicopter. Mas comportable pa ako sa eroplano kaysa diyan. Paano kung bigla yang nasiraan tapos bumagsak edi ang ending patay kami.
"Aria?"
"Okay! Sige na sige na." Napilitan nalang akong sumama. Wala narin naman akong magagawa eh. Pipilitin at pipilitin niya parin ako kahit anong mangyari.
We only live once kaya dapat masubukan ko narin ang pagsakay dito. Siguro naman walang mangyayaring masama sa amin. Sabi naman nung lalaki kanina na check nila ito kaya medyo kampante na ako.
"Good! Let's go." Then we continue walking.
He help me to go inside the helicopter. I sitted on the left side and he sitted on the opposite side. Oh my ghad! Don't tell me siya ang magmamaneho nito.
"Keith you will be the pilot?" Pagtatanong ko habang inaayos niya yung seatbelt ko.
"Yes!" Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Do you know how to manage it? Baka mapahamak tayo." Kabado kong tanong sa kaniya.
"Nag-aral ako nito before kaya alam ko magpaandar nito. Don't worry everything will be alright."
He said then gave me the ear protection and eyeglass. Sinuot ko naman yun at hindi parin makapaniwala sa gagawin niyang pagpapaandar nitong helicopter.
Inistart na niya ang engine at kung ano-ano yung pinindot niya dun sa loob ng helicopter. Nang naramdaman ko nang umaangat na ito sa lupa ay napapikit nalang ako. Baka hindi ko 'to kayanin. I'm so scared.
Natatakot ako kasi mukhang mataas-taas ang liliparin namin pero ang mas ikinakatakot ko ay dahil siya ang nagpapaandar nitong sinasakyan namin.
Paano kung bigla nalang 'tong bumagsak? Paano kung nakalimutan niya na pala ang pagpapaandar nito? Paano kung masiraan 'to? Ano ng gagawin namin?