Chapter 9: Back to ManilaAria's POV
When I woke up this morning nakita kong nakayakap pala si Keith sakin. Hindi tuloy ako makatayo kasi baka magising ko siya kapag gumalaw ako. Hihintayin ko nalang muna siya magising.
While waiting for him to wake up, naisip ko lang na titigan siya. Ngayon ko nalang ulit 'to nagawa, yung tinititigan siya habang tulog. Ang saya lang kasi sa pakiramdam na abot kamay mo na yung pangarap mong lalaki.
I admit, playboy talaga si Keith at manyak even before pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit ko siya minahal. Sana mahal niya rin ako, sana minahal niya ako.
Napaiwas ako ng tingin ng bigla siyang gumalaw. Naramdaman ko na rin na nagmumulat na siya ng mata.
"Goodmorning Babe." Pupungas-pungas pa niyang bati sa akin at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sakin.
"Ahh...Goodmorning din." Nahihiya kong sabi. Nakita niya kasi ata na tinititigan ko siya, nakakahiya talaga.
"Kanina ka pa ba gising?" Pagtatanong niya.
"Hindi naman masyado. Medyo...medyo lang." Sabay pilit akong ngumiti.
"Ahh ganun ba? Tara ligo na tayo." Ito nanaman siya.
"Ikaw nalang mauna."
"Bakit? sabay nalang tayo." Pamimilit nanaman niya.
"Uulitin ko nanaman ba yung sinabi ko sayo? HINDI NGA PWEDE!" Ang kulit-kulit talaga ng lalaking 'to. Hindi makaintindi na hindi pwede.
"Bakit ba kasi hindi? You know you're a lucky girl because you can have me everytime and anytime you want. All girls lust on me kaya maswerte ka kasi ako pa ang lumalapit sayo." Mayabang na pagsasalita niya. Umirap ako sa kaniya.
"All girls lust on you except me." Pagbarag ko sa kanya.
Natameme naman siya sa sinabi ko. I go to the bathroom to take a bath. This is our last day here in Boracay and I enjoy being here. Mamaya aalis na rin kami. We will go back to Manila.
After kong maligo ay inayos ko na yung mga gamit ko. Plano ko dapat yun ayusin kahapon kaso napagod talaga ako sa mga pinag gagagawa namin kaya nagpahinga na ako.
***
It's already 3 o'clock in the afternoon and I'm waiting for Derrick's message. Sabi ko nga kasi sa kaniya ay sabay-sabay nalang kami umuwi para naman makapagkwentuhan pa kami.
"Aria sino pa ba kasing hinihintay natin. Can we go? Baka malate pa tayo sa flight natin." Pang-aaya ni Keith sakin. Nandito pa kasi kami sa room namin sa hotel at kanina pa niya kasi ako inaaya na umalis na pero pinipigilan ko siya.
"Pwede bang maghintay ka. Kung gusto mo mauna ka na! Go tsupi iwan mo nalang ako." Pagtataboy ko sa kaniya.
"I will never leave you alone. Sige sasamahan na kitang hintay kung sino man yun." Naupo nalang siya sa couch habang ako naman tinext ko na si Derrick.
| Hey Derrick this is Aria. Where are you now? I'm waiting for you. |
| Ow! Sorry Aria. May inasikaso pa kasi ako but I'm on my way there. Just wait for me. | -Derrick
| Okay! Ingat ka ahh hintayin ka nalang namin sa lobby. |
| Kami?|- Derrick
| Diba kasama ko yung asawa ko? Remember? |
| Ay oo nga pala. Akala ko pa naman masosolo kita. |- Derrick
| Anong masosolo ang pinagsasasabi mo diyan? Dalian mo na nga baka malate pa tayo sa flight natin. |