Chapter 38: She gave up
Aria's POV
Nang minulat ko ang aking mga mata ay agad nagbalik ang mga alaala ng pinagdaanan namin sa pagbagsak ng eroplano.
Ang takot sa mukha ng mga pasahero ay nanatili parin sa alala ko. Ang pagkakagulo sa loob ng eroplano at ang mga nasilayan kong bangkay ay paulit-ulit ko paring nakikita. Ang mga bangkay na nasilayan ko mismo ay walang tigil na bumabalik sa isipan ko.
Biglang pumasok sa isipan ko walang malay na katawan ni Keith. Bigla akong napaupo sa kama na kinalalagakan ko dala ng pag-aalala sa kalagayan niya ngayon. Pilit akong tumayo ngunit hindi ko magawa dahil sa injurie sa paa ko.
"Aria!" Agad akong dinaluhan ni Raine at Derrick nang nakita nila na nag pupumilit akong tumayo.
Inilapat ko ang mga paa ko sa sahig ngunit agad din akong bumagsak dahil hindi ko kinaya ang pangingirot ng binti ko. Buti nalang ay agad akong nasalo ni Derrick kaya hindi ako tuluyang lumagapak sa sahig.
Maingat niya akong ibinalik sa kama at inayos ang dextrose na nakakabit sa akin.
"Aria don't force yourself." Komento ni Raine na nasa likod ni Derrick habang pinagmamasdan ako ng puno ng awa sa mukha niya.
"I need to, Raine. I want to see my husband. Where is he? Ayos lang ba siya? Gising narin ba siya? Nasan siya?"
Nag-iwas siya bigla ng tingin at hindi niya nagawang sagutin ang tanong ko. Bumaling ako kay Derrick upang humingi ng sagot ngunit hindi niya rin nagawang sagutin ang tanong ko.
What's the problem with these people? I'm just asking a very simple question but why they can't answer me?
"You should rest first." Ayan lang ang sinabi ni Derrick habang pilit akong pinapahiga.
"No! Hindi ko kailangan ng pahinga. Ang kailangan ko yung asawa ko. So please, hayaan niyo naman akong makita siya. Nasan ba kasi siya? Bakit ayaw niyo sakin sabihin? Sagutin niyo naman ako."
"Sigurado ka bang kaya mo na?"
Tumango nalang ako sa tanong ni Derrick. Sana payagan na nila akong makita ang asawa ko dahil kung hindi ay baka mamatay na ako sa kaba dito at may paglamayan pa sila agad-agad.
Kinuha ni Raine ang wheel chair na nasa gilid lang niya at itinulak iyon palapit sa akin.
"Keith is in critical condition. You need to prepare yourself for what you can see."
How I wish his fine. Ayaw kong makita ulit siyang nahihirapan pero alam ko rin na imposibleng mangyari yun. Alam kong hindi basta-basta lang ang natamo niyang sugat kaya paniguradong matinding gamutan din ang pagdadaanan niya.
"Derrick ikaw nalang ang sumama kay Aria. Ihahanda ko lang yung mga iinumin niyang gamot." Ani ni Raine.
Binuhat ako ni Derrick mula sa kama at pinaupo sa wheelchair. Inayos niya muna ang mga paa ko na hindi ko magalaw bago niya tinulak palabas ang wheelchair.
Ilang pasilyo pa ang dinaanan namin bago kami nakarating sa kinaroroonan ni Keith. Huminto kami sa labas ng ICU dahil pinagsuot muna kami ng mga kung anu-ano para daw hindi kami mag cause ng paglala ng kalagayan ng pasyente.
Matapos namin masuot ang mga iyon ay pumasok na rin agad kami sa loob. Hindi pa kami nakakalapit kay Keith ay agad ng tumulo ang mga luha ko. Nanginginig ang mga panga ko dahil sa pagkabigla nang nakita ko siya.
Hindi to totoo. Please sabihin niyo sa aking hindi to totoo!
Mag-isa lang siya dito habang walang malay na nakahiga sa kama at may mga iba't-ibang apparatus ang nakasaksak sa buong katawan niya. Mula ulo hanggang paa ay ramdam ko na hirap na hirap siya sa kondisyon niya ngayon.