Chapter 6: BoracayAria's POV
Nandito na kami sa loob ng eroplano. We are waiting for the airplane to arrive. We are going to Boracay today for our honeymoon.
Nadelay nga yung flight namin ngayon dahil nagkaroon daw ng konting aberya, kaya nag-iinit na ang ulo ko. Si Keith naman enjoy lang sa soundtrip niya.
"Ma'am okay lang po kayo?" Pagtatanong sakin nung flight attendant. Napansin niya siguro na naiinis na ako kaya lumapit siya.
"Do you think I am okay? 1 hour ng delay yung flight namin at tingin mo ba ayos lang yun sakin?" Pagtataray ko sa kaniya. Ayaw ko naman talagang magalit kaso nag-iinit na talaga ang ulo ko.
"Ma'am calm down po ito po tubig, para mahimasmasan naman kayo. Highblood na po agad kasi kayo. Di ka ba talaga makapaghintay na umandar 'to. Isang oras pa lang naman galit na galit ka na agad." Sabi niya sabay bigay ng cold water sakin. Tinagap ko naman yun pero hindi ko ininom bagkus tinapon ko yun sa mukha niya. Nakita ko naman na mabilis na nagrehistro ang galit sa mukha niya.
Ang kapal naman ng mukha niya na sabihan ako ng ganun. Ang pagkakaalam ko nag-aral sila ng para matuto kung pano i-handle ang mga pasahero na mainit ang ulo. Mukhang hindi naman niya inaral yun at ang bastos ng bibig.
"Hindi tubig ang kailangan ko ang kailangan ko makaalis na 'tong eroplano para makarating na kami sa pupuntahan namin." Sigaw ko sa flight attendant na nakakuha ng atensyon ng mga passenger sa eroplano. I don't care kung center of attraction na kami sanay naman akong pinagtitinginan ng mga tao.
"Mawalang galang na sayo. Kung gusto mong makarating na sa pupuntahan mo you may go now. Simulan mo ng maglakad. Hindi ka ba makaintindi na nagkaaberya nga kaya na delay yung flight niyo at FYI walang kang karapatan na buhusan ako ng tubig sa mukha dahil hindi ikaw ang boss ko dito, hindi ikaw ang nagpapasahod sakin. Kung hindi ka makapaghintay pwede ka ng bumaba dito." Mataray na pananalita niya sakin. Ano bang pinagmamalaki nito at ang lakas ng loob na sagut-sagutin ako.
Naiintindihan ko naman na delay ang flight kaso kasi nasa loob na kami ng eroplano tsaka pa nagkaaberya. Ayun ang dahilan kaya naiinis ako at bakit ba kasi siya lumapit lapit sa akin. Kung nanahimik siya sa kinalalagyan niya kanina, hindi ko sana siya nasabuyan ng tubig at hindi kami nagsagutan ng ganito.
Sakto na may dumaan na isa pang flight attendant sa gilid ko na may dalang tubig kaya kinuha ko iyon at tinapon ko ulit sa mukha nung haliparot na flight attendant. Napasinghap naman siya sa ginawa ko at tinignan ako ng masama na para bang any time pwede na niya akong sabunutan o sampalin.
"Siguro naman may karapatan akong buhusan ka ng tubig sa mukha dahil family ko naman ang may-ari ng airline na 'to. Kung hindi mo nga pala ako kilala, magpapakilala na ako. I'm Aria Fuentabella the daughter of the owner of this airline." Pagmamataas ko. Nakita ko naman ang pagkagulat niya. Good thing for me napahiya siya.
"I-I'm sorry ma'am hindi ko po alam na kayo yung may-ari nito. I'm really sorry ma'am." She apologize to me.
"What is the sense of sorry if the damage has been done. Ngayon ikaw, pwede ka ng lumabas sa eroplano na 'to kasi you're fired!" Nagtatangis ang bagang na sigaw ko.
"Ma'am please." She's begging me.
"I made my decision. Lumabas ka na dito o gusto mo pang ihagis kita palabas ng eroplanong 'to mamaya habang lumilipad?!" Biglang nagbago nanaman ang mukha niya. Yung kanina na maamo ay naging matapang na nanaman.
"Maganda ka nga ang pangit naman ng ugali mo." Pagsasalita muli niya sa akin.
"Atleast ako maganda e ikaw? Pangit na nga ugali mo pangit pa mukha mo." Sabi ko at tinaasan siya ng kilay.