#34: Cullen Bar

1.9K 37 2
                                    


Chapter 34: Cullen Bar

Aria's POV

Hindi na ako mapakali dito sa bahay kakahintay kung anong oras ba dadating si Keith. Kanina pa siya umalis pero hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik. I'm going crazy right now.

I decided to call Gian. Sana alam niya kung nasan si Keith dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kung mananatili pa akong naghihintay dito. Kailangan ko siya masundan kung saang lupalop man siya pumunta.

'Aria...?'

"Yes. It's me Gian."

'Bakit ka napatawag?'

"Are you with Keith?"

'Huh? Si Keith? Kanina pa siya umalis sa office. Hindi ko siya kasama ngayon. I'm with my girlfriend.'

"Hindi niya ba sayo sinabi kung nasan siya? May idea ka ba kung saan siya pwedeng pumunta? Please Gian tell me. I really need your help right now."

'Nag-away ba kayo?'

"A sort of..."

'Patay mukhang maglalasing yun ahh. Saan kaya pupunta yung lokong yun..... Wait..... Ayun may idea na ako.'

"Where?"

'I think he's in Cullen Bar. Before kasi don kami nagha-hang-out nung di pa kayo kasal.'

"Malayo ba yun?"

'From your place....Uhm tingin ko 15 minutes lang naman papunta doon. Susunduin nalang kita diyan.'

"No! Wag na."

'Aria kung pupunta ka don kailangan kasama mo ako. Masyadong delikado kung mag-isa ka lang pupunta. Babae ka. Baka mabastos ka doon. Marami pa namang tarantadong pagala-gala diyan. Hintayin mo ako pupuntahan kita."

"Gian hindi na kailangan. Mag-isa nalang akong pupunta doon. Mukhang nakakaistorbo na ako sa inyo ngayon ng girlfriend mo. Pasensiya na at salamat."

'ARIA HINDI PWEDE MAPAPATAY AKO NG ASAWA MO PAG MAY NANGYARING MASAMA SAYO. DELIKADO!'

"I'll be fine, don't worry."

'ARIA HINDI NGA -------'

Pinatay ko na agad ang tawag at hindi ko na pinatapos pa yung sasabihin ni Gian. Alam kong magpupumilit lang yun na sunduin ako. Ayaw ko naman na makadistorbo sa kaniya at sa girlfriend niya.

Nagmadali na agad ako na makalabas ng condominium para makapunta na sa Cullen Bar na sinabi ni Gian sa akin. Hindi ko na nga nagawang tignan sa salamin ang sarili ko kung maayos pa ba ang itsura ko dahil sa sobrang pagmamadali. Hindi ko na ginamit yung kotse ko at naghintay nalang ng taxi na masasakyan. Hindi ko rin naman kasi alam yung bar na yun baka maligaw pa ako at magkaleche-leche pa yung plano kong paghahanap kay Keith.

"Kuya malayo pa ba?" Hindi na ako makatiis na magtanong dahil pakiramdam ko kanina pa ako nandito sa taxi pero hindi parin kami makarating sa pupuntahan namin.

"Ma'am nandito na po tayo."

Napatingin ako sa labas at nakita ko kaagad ang nag-uumapaw na tao sa labas. Paano pa kaya sa loob? Mukhang mahihirapan akong maghanap nito ahh.

"Kuya salamat po." Inabot ko na ang bayad at lumabas na ng taxi.

Napabuntong hininga nalang ako bago tuluyang maglakad papasok sa bar. I've been going to bars before kaya hindi na ako masyadong nanibago sa ambiance pero this bar is too crowded. Ang sikip at ang ingay kesa sa usual bar.

Married To A Maniac Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon