#33: Picture

2K 36 0
                                    


Chapter 33: Picture

Aria's POV

"Keith!" Tinawag ko na siya habang hinahanda ang hapunan namin sa lamesa.

Lumingon ulit ako sa pinto ng kwarto namin at hindi parin siya nalabas mula doon.

"Keith I'm home! Let's eat." Kakadating ko lang kasi dahil galing ako sa bahay ni Derrick. Free time niya kasi kanina kaya kinuha ko na yung pagkakataon na magpaturo magluto. Mahigit tatlong oras din ata ako doon at hindi ko na nasalubong ang pagdating ni Keith ngayon.

"Hon!" Sinalubong ko agad siya ng yakap nang lumabas siya mula sa kwarto. I tip toe to reach his lips ang gave it a smack. Ngumiti ako sa kaniya pero siya seryoso lang ang mukha. I just ignore his serious expression. I don't want to think that anything bad happened to him now. I guess his just tired with his work.

"Keith kain na tayo. I cook for you but don't worry it's better than before." Hindi parin maalis ang mga ngiti sa labi ko. Masyado talaga akong masaya ngayong araw dahil napagluto ko siya ng pagkain at alam kong masarap.

Nilagyan ko na yung plato niya ng kanin at ng mga niluto kong ulam. Seryoso lang siyang kumain at hindi manlang tumitingin sa akin.

What's wrong? Hindi nanaman ba masarap ang niluto ko? Palpak nanaman ba ako?

"Keith hindi ba masarap?" Malungkot kong tanong sa kaniya. Kahit may part sa utak ko na nagsasabi na hindi niya nagustuhan ang luto ko umaasa parin ako na sana magustuhan niya kahit konti lang.

"Masarap." Simpleng sagot niya. Kahit sinabi niya na masarap hindi naman nagrereflect sa mukha niya na nagustuhan talaga niya. Siguro napipilitan nanaman siyang kainin yung niluto ko. Siguro sinabi niya lang na masarap para hindi masaktan ang damdamin ko.

"Kung ayaw mo... wag mo nalang kainin. Magpapadeliver nalang ako. Sorry kasi---" hindi ko na tinuloy yung sasabihin ko dahil pinutol niya na agad ako.

"Sabi ko masarap." Bakit ba kasi ang lamig lamig ng pakikitungo niya sa akin ngayon. This is not my Keith. Hindi yun ganito kaseryoso. Ano bang problema?

Hindi na ako nakapaconcentrate sa kinakain ko dahil the whole time ay iniisip ko kung bakit malamig ang pakikitungo sakin ni Keith ngayon.

"Bakit wala ka kanina? Saan ka nanggaling?" Walang emosyon niya na tanong sa akin habang patuloy parin sa pagkain.

Matagal ko muna siyang tinitigan bago ako sumagot sa kaniya.

"Sa bahay ni Derrick." Nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa tinidor at ang pagkuyom ng kamao niya.

"Bakit?" Ramdam ko na nagpipigil siya ng galit ngayon at hindi ko alam kung saan nanggagaling yung galit na yun. Dahil ba sa pagpunta ko kay Derrick? Sana hindi pero alam kong ayun lang naman ang rason ng pagkagalit niya.

"Nagpaturo lang ako na magluto." Napatalon ako sa gulat ng pabagsak niyang inilapag ang kubyertos niya sa pingan at padabog na tumayo mula sa hapag kaininan.

Bago pa ako makapagsalita ay nakapasok na agad siya sa kwarto at sinarado na yung pinto. Bumigat ang pakiramdam ko dahil sa inasal ni Keith kanina. He never been this harsh before towards me. Nasasaktan ako na makita na ang cold ng trato niya sa akin. Hindi ko alam kung dahil lang ba talaga to sa pagpunta ko kay Derrick o may iba pa yung pinanggagalingan? Kung meron mang iba, ano yun? I'm clueless.

Iniligpit ko na muna ang hindi na namin na tapos kainin na hapunan bago ako magpasya na sundan si Keith sa kwarto.

Pagkapasok ko sa kwarto ay nakita ko siyang nakaupo sa kama at nakatalikod mula sa kinalalagyan ko. Ngayon ko lang napansin na hindi pa pala siya nagpapalit ng damit. Tinaas niya lang ang puti niyang longsleeve at nakapants parin siya.

Married To A Maniac Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon