Aria's POV
Pagbukas ng pinto ng simbahan ay parang hindi ko mailakad ang aking mga paa. Tila may bakal na nakasuot sa aking katawan at pakiramdam ko ay nahihirapan akong gumalaw.
Nagsimula ng tumugtog ang kanta at hudyat na ito ng aking paglalakad sa pasilyo ng simbahan.
You're the one that never lets me sleep
Through my mind, down to my soul you touch my lips
You're the one that I can't wait to see
With you here by my side I'm in ecstasyNanginginig ang mga kamay ko habang hawak-hawak ang mga bulaklak. Parang maging ang tuhod ko ay bibigay dahil sa kaba na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito.
I am all alone without you
My days are dark without the glimpse of you
But now that you came into my life
I feel complete
The flowers bloom, my morning shines
And I can seeMga nakangiting mukha ang mga nakikita ko sa aking paligid. Ang mga bisita namin ay masayang pinagmamasdan ang paglakad ko.
Nasa kalagitnaan na ako ng pasilyo at habang papalapit ako ay mas nakikita ko ang lalaking naghihintay sa akin sa altar.
Your love is like the sun
That lights up my whole world
I feel the warmth inside
Your love is like the river
That flows down through my veins
I feel the chill insideItim na amerikana at asul na kurbata ang kaniyang suot ngayon. Ang kaniyang buhok ay iniayos patalikod at napakagwapo niyang tignan sa kaniyang itsura.
Every time I hear our music play
Reminds me of the things that we've been through
In my mind I can't believe it's true
But in my heart the reality is youI am all alone without you
My days are dark without the glimpse of you
But now that you came into my life
I feel complete
The flowers bloom, my morning shines
And I can seeIlang hakbang nalang ang layo ko sa kaniya kaya tinitigan ko siya sa mata at binigyan ng isang matamis na ngiti.
Nakita ko na umiiyak na siya at hindi na siya makatingin sa akin ng maayos. Natatawa ako na naiiyak dahil sa itsura niya.
I am not expecting him to cry in our wedding. Siya yung tipo ng tao na kapag masaya ang okasiyon ay masaya rin siya pero ngayong kasal namin umiiyak siya.
Your love is like the sun
That lights up my whole world
I feel the warmth inside
Your love is like the river
That flows down through my veins
I feel the chill insideYour love is like the sun
That lights up my whole world
I feel the warmth inside
Your love is like the river
That flows down through my veins
I feel the chill insideTuluyan na akong nakalapit sa kaniya at hindi parin siya tumitigil sa pag-iyak. Namumula na ang mata at ilong niya kakaiyak. Ang cute niya tignan kasi mukha siyang bata na inagawan ng candy.
Hinawakan ko ang kanang pisngi niya at hinaplos ko ito.
"Hon stop crying." Nakangiti ko siyang pinatatahan.
"I-I'm sorry. I'm just happy Aria. You will be my wife today." Humihikbi pa siya habang sinasabi yan sa akin.
"Yes I will be your wife and you should stop crying para makasal na tayo. Mamaya ka nalang ulit umiyak." Natawa siya sa sinabi ko at pinunasan niya na ulit ang mga mata niya.