#32: Office

2.1K 34 2
                                    


Chapter 32: Office

Aria's POV

"Hi lil sister..."

Lumabas na ako ng elevator at akala ko siya naman ang papasok pero nagkamali ako dahil hinayaan niya lang na magsara yun at hindi manlang umalis sa kinatatayuan niya.

Tinignan ko siya pero hindi ako ngumiti. Hindi parin kasi maalis sa isip ko yung halik na ginawa niya kay Keith. Whenever I remember that I feel like my blood is in its boiling point.

"Masyado ka na ba ngayong bastos at hindi mo na nagawang batiin ang ate mo? I'm so disappointed." Umakto pa siya na parang nalulungkot dahil sa hindi ko manlang pagbati sa kaniya. Grabe amoy na amoy ko ang pagiging plastic niya. Kainis.

"I think, either I greet you or not it doesn't matter. It will not change the fact that I'm a big disappointment in your fvcking life."

Ayun naman kasi ang lagi kong nararamdaman sa kaniya. Since we're kids, she always let me feel like I'm a mess in her life and a torn in her throat. Hindi ko alam kung bakit kahit minsan...kahit minsan lang hindi niya sa akin pinaramdam na kapatid niya ako. Kahit kakarampot na pagmamahal at alaga lang ng isang TUNAY na kapatid, hindi ko naramdaman yun sa kaniya. She think that I am her opponent in many things. A antogonist in her story and a rival to Keith. Hindi ko alam kung bakit siya galit sa akin kahit wala naman talaga akong ginagawa sa kaniya.

"Hindi mo manlang ba ako tatanungin kung ano ang ginagawa ko dito sa building ni Keith?" Hindi parin mawala ang ngisi sa labi niya habang nagsasalita sa harapan ko.

"Hindi naman ako interesado kaso baka ikamatay mo kung hindi ko tatanungin yun sayo. So? What are you doing here my sister?"

"Thanks for asking. I'm here to visit your husband. Actually, nilandi ko lang naman siya. Ang sarap nga niyang landiin kasi alam mong mabilis siyang nagiinit." At humalakhak siya na parang may malaking joke sa sinabi niya.

"Hindi na ako magtataka kung ayan talaga ang sadya mo dito dahil hindi naman to simbahan para dito ka magdasal at aminin ang mga kasalanan mo.  Nakakabit narin naman sa pangalan mo ang salitang 'malandi' kaya kahit saan ka pumunta alam na alam na agad ang gagawin mo. Manglandi!" Kung dati hindi ako lumalaban sa kaniya pwes ngayon gusto kong ipaalam sa kaniya na sa kahit na anong paraan kaya ko ng labanan ang kamalditahan niya.

"Ito ang pakatandaan mo Aria. Walang permanente sa mundo. Ang akala mong iyo ngayon ay baka akin na bukas."

Hindi lang yun pananakot, pagbabanta na yon. I know too well my sister, if she want something she'll do anything just to get it. Wala siyang pakialam kung sino ang masasagasaan niya. Wala siyang pakialam kung may masasaktang iba. Wala siyang pakialam kung may masisirang relasyon ng dahil sa kaniya. She's so ruthless.

"I'm too confident that you can't  get him away from me. He love me more that he loved you before. He's crazy inlove with me and I think he will never be yours again because he's mine, only mine." Ang kaninang nakangiti niyang mukha ay napalitan ng inis at pagkagalit sa akin. Hindi niya siguro matanggap na hinding-hindi na siya mamahalin ni Keith kaya ganiyan siya.

Dapat lang malaman mo na ang tao na gustong-gusto mong makuha ay pagmamay-ari na ng iba.

"I'll do anything just to get him back...anything Aria, anything." Tinalikuran na niya ako at pumasok na sa elevator. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon para tignan ulit siya. Kung pwede nga lang na tuwing nandiyan siya ay ipipikit ko nalang ang mata ko para hindi ko makita ang pang-asar niyang mukha, ginawa ko na.

Napabuntong hininga nalang ako bago naglakad na patungo sa office ni Keith. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko kahit alam kong mahihirapan ako dahil hindi parin nawala ang init ng ulo ko sa napakabuti kong kapatid.

Married To A Maniac Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon