Chapter 46: Back to work
Aria's POV
"Keith dalian mo na magbihis diyan!"
Narinig ko naman agad ang pagbukas ng pinto sa kwarto at lumabas na nga siya.
Inaayos niya pa yung tie niya habang naglalakad palapit sa akin. Nang nasa mismong harapan ko na siya inalis ko na ang kamay niya dun sa tie at ako na ang nag-ayos.
"I can't believe it papasok ka na ulit sa kumpanya niyo." Nakangiting saad ko sa kaniya.
"Yeah me too." Inipit niya sa likod ng tainga ko ang mga buhok na nakaharang sa mukha ko.
Isang linggo matapos namin makalabas sa ospital ay nagsimula na magtrain si Keith sa pagpapatakbo ng kumpanya nila. Isa rin kasi yun sa mga hindi niya maalala.
Everyday nandito sa bahay si Gian para ituro kay Keith yung mga kailangan niyang gawin pagbalik niya sa trabaho. Hindi naman mukhang nahirapan si Keith kasi pinag-aralan na nila yun nung college at pinapaalala lang ni Gian. Si Tito Raf naman paminsan-minsan pumupunta rin siya dito para tignan kung may improvement na ba kay Keith. Malaki naman ang tiwala ni Tito Raf sa anak niya na kaya niya ulit i-handle and buong kumpanya kaya si Keith mas pursigido talaga matutunan lahat.
"Ria sama ka nalang sa office." Ipinulupot ni Keith ang braso niya sa bewang ko.
"Bakit naman? Kaya mo na yan kahit wala ako." Pinisil ko ang pisngi niya para matangal yung pagkakakunot sa noo niya.
Kagabi pa kasi siya kinakabahan. Kesho di niya daw alam kung gusto pa siya nung mga empleyado. Hindi niya rin daw alam kung magagawa niya ng maayos yung trabaho. Kung kakayanin niya daw ba humarap sa board at marami pang iba.
Nararamdaman ko nga na di siya nakatulog kagabi ng maayos kasi ang likot-likot niya sa kama. Pati ako napuyat sa kaniya.
"Kailangan kita dun para mawala yung kaba ko. Mas komportable kasi ako kapag nanduon ka. Dali na samahan mo na ako." Para siyang bata na nanghihingi ng lollipop sa akin.
"Kaya mo yan ano ka ba. Ang galing-galing mo kaya. Tandaan mo lang yung mga sinabi ni Tito Raf at Gian."
Hindi siya nagsalita at sumimangot lang sa akin. "Hon, you can do it. You can call me later if you want to talk. Gusto ko lang na masanay ka na. Hindi naman kasi pwede na lagi mo akong kasama sa trabaho diba?"
"Fine." Nginitian ko nalang siya at sinamahan palabas ng unit.
Alam kong hanggang ngayon kinakabahan parin siya kasi yung mga kamay niya nanginginig. Pinagpapawisan din siya kahit ang lamig naman dito.
"Goodluck Keith." I cupped his face on my hands and kiss him.
"Thanks. Aalis na ako. Yung pinto isarado mo at huwag mong bubuksan hanggang hindi mo alam kung sino yung tao sa labas." Paalala niya bago ako halikan sa noo.
"Opo. Bye hon." Nang nakasakay na siya sa elevator pumasok narin ako sa loob ng unit.
Mas naging maayos na ang relasyon namin ngayon ni Keith. Pinipilit niya na kasi magpakaasawa sa akin. Hindi na rin niya binabangit si Ate, paminsan-minsan oo pero hindi na ganoon kadalas. Hindi narin naman nagpapakita sa amin si Ate. Hindi ko nga sure kung bumalik na ba siya ng London.
Nagligpit nalang ako at naglinis ng buong bahay dahil wala naman akong ibang magawa kundi ayun lang. Nilabhan ko narin yung mga damit namin. Ilang araw na rin kasi akong hindi naglaba ng mga damit kasi tinutulungan ko rin si Keith sa paghahanda niya para sa trabaho niya.
Inilagay ko na sa laundry machine yung mga damit namin at naupo muna ako habang hinihintay na matapos yun. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Paggising ko gabi na.