Chapter 30: SickAria's POV
"Aria! Sweetie Pie! Darling! Sweetheart! Honey! Baby Boo! Love! My life! Bhebhe! Babe! Baby! Open the door!" Bahala siya sa buhay niya, hinding-hindi ko siya pagbubuksan ng pinto. Naiinis parin ako sa kaniya hanggang ngayon dahil tuwing nakikita 'ko siya naalala ko lagi nung hinalikan siya ni Ate Meg kaya ayaw ko siyang makita. Torture sa akin ang makita ang pagmumukha niya. Sumasakit lalo ang puso ko sa kaniya. Bwisit siya! Bwisit silang dalawa ng Ate ko! Magsama sila dahil pareho silang malandi.
"Wag ka ngang maingay, matutulog na ako!" Pabalik kong sigaw habang nag-aayos ng higaan sa kwarto.
"Aria saan naman ako tutulog?" Paawa niyang tanong habang pinipilit buksan ang naka-lock na doorknob.
"Sa couch!"
"Aria ayaw ko dun...gusto ko katabi kita." Parang bata siya na nagmamaktol na pagbuksan ng pinto dahil ginabi na ng uwi at ako ang nanay niyang malupit na ayaw pa rin siyang pagbuksan.
"Ayaw kitang katabi! Bwisit ka!"
"Babe hindi ko naman kasi talaga gustong halikan ako nung Ate mong medyo lasingera e. Maniwala ka naman sa akin. Nakita mo naman yun diba? Hindi naman ako yung nag-insist!" Tama siya. Lahat ng sinabi niya walang halong pagsisinungaling pero hindi parin maalis sa utak ko yung inis nung makita ko ang sinaryong yun.
"Bakit ba kasi sumama ka pa sa C.R.?! Edi sana hindi ka na niya nahalikan!" Inis na sigaw ko ulit sa kaniya.
"Ikaw kaya yung nag-utos nun sa akin. Tumango ka pa nga sa akin na parang binibigyan mo ako ng permisyon na pumasok sa C.R. Makakalimutin ka na ba?!!!"
"Sinisigawan mo ba ako Mr. Harizon?" Nanggagalaiti kong tanong sa kaniya at kahit pa nasa labas siya at ako ay nandito sa loob ng kwarto ay ramdam ko pa rin ang pagbuntong-hininga niya.
"Hindi po kita sinisigawan, nagpapaliwanag lang po ako na ikaw ang nag-utos sa akin na pumasok sa C.R. niyong mga babae at hindi ko naman po inaakal na hahalikan ako ng mahal mong kapatid." Mahinahon niyang pagpapaliwang sa akin.
"Kapag inutasan ka pala susundin mo agad?!" Hinahanapan ko talaga siya ng butas para magalit ako lalo sa kaniya. Wala naman kasi talaga siyang kasalanan pero gusto ko lang ilabas ang sama ng loob ko.
"Kapag ikaw ang nag-utos. Syempre susundin ko. Commander kaya kita." Mas naging malambing na ang boses niya ngayon kumpara kanina na sobrang lakas kung magsalita.
"So kapag inutusan kita na uminom ka ng lason, iinumin mo?"
"Oo naman. Basta ikaw ang nagsabi, gagawin ko pero kapag namatay ako wag kang iiyak ahh."
"Ang kapal... Asa ka pa!"
"Indenial pa eh. Alam ko namang mahal na mahal mo ako. Baka nga pag namatay ako hindi mo ako matiis at sumama ka sa kabaong 'ko." Err. Ang yabang niya. Bwisit talaga! Parang easy lang sa kaniya lahat at nagagawa pang magbiro. Leche siya. Bwisit siya. Peste!
"Fvck you!" Napamura na ako sa sobrang inis ko sa kaniya pero siya nakuha niya paring tumawa at ang lakas pa.
"Babe open this door and I will let you fvck me. Hahaha. Si Aria namimiss na agad ang katawan ko. Ayyyieeee." Shit!
"Leche magpatulog ka!" Sigaw ko ulit at nahiga na sa kama. Ayaw ko ng makipagtalo pa sa kaniya dahil pagod na pagod na ako na makipagbangayan sa utak niyang puro kalokohan.
"Babe I love you. Tulog ka na. Mahal na mahal kita. Huwag mo masyadong isipin ang sexy kong katawan ahh baka maglaway ka, wala pa naman ako sa tabi mo para punasan yan. Bukas nalang tayo pumunta ng langit kapag wala ka ng topak. I love you."