Chapter 21: Real RelationshipARIA'S POV
"Aria samahan mo na ako sa mall. Pleaseeeee."
"Raine inaantok pa ako and It's too early to go in the mall. Hayaan mo muna akong makapagpahingga." I boringly said and I lay again my body on my bed.
"Anong maaga pa ang pinagsasasabi mo? Palibhasa wala kang ibang ginawa kundi umiyak at magmukmok dito sa kwarto kaya hindi mo na namalayan na hapon na! It's already 5 P.M my dear cousin."
Ganoon na ba talaga ako katagal naglagi dito sa kwarto ko kaya hindi ko na talaga namalayan ang oras? Haaay grabe! Ang hirap talaga ng heart broken."Kung gusto mo pumunta ka nalang mag-isa o kaya isama mo nalang si Derrick basta ako magpapahingga lang dito." I said then I cover my face with my blanket but she pull it out on me.
"You will go with me or else I will tell Auntie that you and your FAKE husband was now separated."
Is she blackmailing me? Gosh! Kahit kailan nakakainis talaga 'tong babaeng 'to. Kapag kasi gusto kailangan sundin. No choice nanaman kundi sumama nalang sa kaniya.
"Fine I'll go with you but you will treat me and buy some clothes for me." Masyado naman ata akong demanding. Naubos na kasi yung mga damit 'ko dahil yung iba naiwan 'ko sa condo ni Keith. Ayaw 'ko na naman balikan dahil baka hindi ko kayanin bumalik ulit ako sa kaniya.
"Oo na basta magbihis ka na." Grabe talaga 'tong babaeng 'to kailangan pa talaga ako itulak papasok ng banyo.
Wala na akong magawa kundi magbihis nalang. After ilang minutes lumabas na ako ng banyo at nagayos ng buhok then naglagay lang ng light make-up after that I go downstair.
"Let's go para makauwi na agad tayo." Walang gana 'kong pag-aaya sa kaniya.
"Hindi pa nga tayo nakakaalis paguwi na agad ang nasa isip mo." Iiling-iling na sabi ni Raine.
Hindi ko nalang siya pinansin at lumabas na ng bahay at pumasok na sa kotse niya. Minsan talaga nawawala ang manners ko sa pakikipag-usap kapag wala ako sa mood. Sorry hindi ko naman ginusto na ma broken hearted eh. Kasalanan talaga 'to lahat ni Keith. Kung hindi niya sana sinaktan ang puso ko hindi magugulo ang buhay 'ko.
'At kung hindi mo rin sana hinagilap siya edi hindi rin nagulo ang sex life niya!' Para na akong tangang kinakausap ang sarili 'ko.
Tumigil na ang pagandar ng kotse so meaning nandito na kami sa mall. Hindi ko manlang namalayan. Ang dami ko kasing iniisip eh.
Bumaba na kami ng kotse ni Raine at pumasok na sa mall. Una muna kaming pumasok sa cosmetic shop dahil mamimili siya ng bagong make-up.
Dahil tinatamad akong tumingin ng mga make-up umupo muna ako sa isang upuan doon sa shop at tumingin-tingin nalang sa paligid.
Nanlaki yung mga mata 'ko ng makita ang isang pamilyar na mukha. Hindi ako pwedeng magkamali, siya 'yun. Siya yung babaeng kasama ni Keith sa office niya pero bakit hindi si Keith ang kasama niya? Bakit iba nanamang lalaki? Hindi naman sa gustong 'kong kasama niya si Keith pero dapat naman ganun diba o baka naman naghiwalay na agad sila. Buti nga! Hindi naman talaga magwo-work ang relationship ng dalawang malandi! Pwe!
"Aria okay ka lang? Sabi 'ko pumunta naman tayo sa resto. Nagugutom na ako and I'm sure gutom ka na rin." Nabalik ako sa katinuan ng magsalita si Raine.
"A-aaah oo tara na. Hindi ko na gusto ang view dito. Ang dami kasing maruruming tao dito kaya naaamoy 'ko na ang pollution." Maarteng pananalita 'ko na akala mo nagpaparinig ako dun sa haliparot. Pero unfortunately hindi niya naman ako maririnig dahil ang layo niya naman mula sa kinalalagyan 'ko.