Chapter 59: Partnership
Aria's POV
"Goodmorning my drunk cousin." I put the tray with her breakfast on the table and crossed my arms on her.
Ilang beses niyang kinusot ang mga mata niya na parang hindi parin makapaniwala na nasa harapan niya na ako. Nagulat nalang ako nang mabilis siyang tumayo sa kama at tumakbo palapit sa akin saka ako binigyan ng napakahigpit na yakap.
"Oh my ghad Aria! You are here!" Gigil na gigil niya akong niyakap at para na akong nabingi dahil sa walang tigil niyang pagtili.
"Raine I can't breathe." Natatawang reklamo ko sa kaniya.
"I'm sorry Aria. Natuwa lang kasi talaga ako. I thought last night was just a dream but here you are. I can touch you." She poke my cheeks and I laugh.
She really look shocked seeing me. Parang ayaw niya pa talaga maniwala na nandito na ako sa harapan niya.
"Aria sobrang ganda mo na. Shocks anong ginawa mo?"
"Nagparetoke ako. Gusto mo rin?" Nanlaki ang mga mata niya at natawa ako ng sobra sa reaksiyon niya.
"Seryoso ka?" Pinanlikahan niya pa ako ng mata.
"Baliw. Hindi noh. Natural beauty lang 'to. Mukha ba akong nagparetoke?"
"Ang laki kasi ng ginanda mo Aria. Grabe kamukha mo na si Anne Curtis."
"Mas maganda kaya si Anne. Anyway kumain ka na ng breakfast mo. Ubusin mo yang saging at yung gatas para mawala yang hangover mo. Ang dami mo kasing nainom kagabi." Umupo siya sa kama at nagsimula na sa pagkain ng hinanda 'ko.
"Shems Aria ang sarap mo na magluto. Feeling ko kumakain ako ng breakfast sa mamahaling restaurant." Tuloy-tuloy siya sa pagkain at halos mapuno na ang bibig niya sa kakasubo.
"Nag-aral kasi akong magluto diba. I'm a chef now. "
"Yah I know. Dapat pala matagal ka ng nag-aral edi sana matagal ng sumarap ang luto mo." Hindi ko na masyado maintindihan yung sinabi niya kasi punong-puno yung bibig niya habang nagsasalita.
Hanggang sa maubos niya yung almusal niya puri siya ng puri sa niluto ko. Hindi kasi ako nabibisita ni Raine sa Canada kaya hindi niya rin natitikman ang luto ko. Ngayon tuloy impress na impress siya sa simpleng almusal na ginawa ko.
Kinuha ni Raine ang phone niya ng biglang tumunog iyon. May kinakausap siya na babae sa kabilang linya kaya inasikaso ko na muna ang mga gamit ko sa loob ng kwarto.
Inayos ko yung mga damit 'ko sa Cabinet para maging organise naman. Hindi ko kasi naayos kagabi kasi nga sinundo ko si Raine.
Napapalingon ako kay Raine sa tuwing tumataas ang boses niya. Mukhang maganda yung balita sa kaniya kasi ang lapad ng mga ngiti niya.
"Talaga? Sige next week pwede na namin sila i-meet. Please inform them to be in the shop before 2 PM. Thank you so much." Lumapit na ako kay Raine nang matapos na niyang kausapin yung nasa kabilang linya.
"Anong nangyari? Sino yung kausap mo? Mukhang ang saya mo ahh."
"Yung assistant ko yung tumawag at may maganda siyang balita para sa ating dalawa."
"Sa atin? Ano yun?"
"May dalawa na tayong magiging bagong partner sa business natin. So it means madadagdagan ang capital ng coffee shop. Yehey. Ang saya Aria." Pumapalapalakpak pa siya habang nagki-kwento sa akin.
"Bago? Bakit? Naghanap ka ng makakasama natin sa business? Akala ko ba tayong dalawa lang? Bakit may madadagdag sa atin?" Hindi naman ako galit medyo nabigla lang ako dahil ang usapan namin ni Raine noon ay kaming dalawa lang tapos ngayon may dalawa pa kaming makakasama?