Hi guys. I just want to thank you all before I start this chapter. I really appreciate your effort to read this story. Thank you po sa inyong mga nagbabasa nito at sa mga nageefort mag vote every chapter. Maraming salamat po sa mga comments niyo. Sorry kung hindi na po ako nakakapagreply sa mga yun pero lahat po yun binabasa ko at natutuwa ako kasi ang effort niyo sa pagcomment. Everytime na binabasa ko yung mahahaba niyong comments mas ginaganahan akong magsulat. Sana ipagpatuloy niyo lang po ang pagbabasa nito. Thank you sa inyong lahat. Lovelots guys.
Chapter 54: I love her
Aria's POV
7 months...
Seven months na si baby sa sinapupunan 'ko. Nagsisimula na rin siyang magkulit sa loob ng tiyan 'ko. Paminsan-minsan sumisipa na siya at kadalasan napapalakas yun kaya medyo nasasaktan ako. Siguro ang kulit nito ni Baby Attiya kasi ang ligalig sa loob ng tiyan 'ko eh.
For the 30th time dinial ko ulit ang phone number ni Keith. Hindi niya parin sinasagot ang mga tawag 'ko.
Aalis kami ngayon. Check up ko ulit. Ang sabi niya sa akin sasamahan niya na ako pero hindi naman ngayon nagpaparamdam. Sana hindi niya naman nakalimutan 'yun.
Maaga pa naman kaya hihintayin ko nalang ang tawag niya. Siguro may meeting pa 'yun kaya hindi sinasagot ang tawag ko. Mamaya nalang ulit ako tatawag sa kaniya after kong maligo.
Namili na muna ako ng damit na susuotin 'ko. Isang blue dress nalang ang susuotin ko at flats. Ngayon hindi na ako nakakapagsuot ng mga jeans kasi mahirap na gawin yun. Yung mga maternity jeans ko masisikip narin sa akin. Hindi pa kasi ulit ako nakakapunta sa mall para mamili. Ang bilis ko na kasi mapagod tapos wala pa akong kasama kaya pagtiya-tiyagaan ko nalang muna 'tong mga dress ko.
Kinuha 'ko muna ang phone 'ko bago ako pumasok ng banyo. Baka kasi tawagan ako ni Keith tapos hindi ko marinig kaya binitbit ko narin yung phone ko sa loob ng C.R.
Pumasok na ako sa shower room at mabagal na tinangal ang mga damit 'ko. Ang hirap na kasi ngayong yumuko dahil parang may pakwan ka na sa tiyan. Lahat tuloy ng paggalaw 'ko bumabagal.
Dinama 'ko ang bawat pagpatak ng tubig sa katawan 'ko. Simula nang lumaki ang tiyan ko hindi na ako nakakaligo ng maayos. Hindi ko na kasi makuskos ang mga binti 'ko kasi nga hindi ko na kaya makayuko. Kung nandito lang sana si Keith edi may tagakuskos sana ako. Gustong-gusto pa naman ako nun samahan tuwing naliligo ako.
Natapos na akong maligo at ngayon ko lang naalala na wala pala yung tuwalya 'ko dito. Naiwan ko pala sa kwarto. Wala ding ibang tuwalya dito kaya wala akong choice kundi lumabas ng hubo't hubad.
Dahan-dahan na akong lumabas ng shower room pero pagkalabas ko nakaramdam ako ng hilo. Naghanap ako ng pwedeng makapitan dahil pakiramdam ko umiikot ang paligid ko. Pa gewang-gewang akong sumandal sa dingding. Yung paningin ko nagsisimula naring manlabo. Hindi ko na makita ng maayos ang paligid ko.
Narinig 'kong nagring ang phone 'ko pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko kasi natatakot akong matumba. Tumigil ang tawag pero nagring muli ang phone ko. Kahit hilong-hilo ako pinilit 'kong makarating sa lababo kung saan nanduon ang cellphone 'ko. Dahan-dahan ang paglalakad 'ko at naiirita ako sa pagtunog ng cellphone ko dahil nara-rush lang ako.
Hindi na tumitigil ang pagtunog ng cellphone ko kaya nagmadali na ako at hindi ko inaasahan ang kasunod na nangyari.
Parang ang bilis ng pangyayari. Nakita 'ko nalang ang katawan ko na nasa sahig na. Nadulas ako. Dahil sa mga tubig na nalalaglag sa katawan 'ko kaya nawalan ako ng balanse. Hindi na sana ako nagmadali ng paglalakad.