#18: Family Planing

3K 58 0
                                    


Chapter 18: Family Planing

ARIA'S POV

Simula ng gumising kami ni Keith hindi pa niya ako kinikibo. Am I invicible? Tuwing nagsasalita ako bigla nalang siyang kakanta na para bang sinasabi niya na ayaw niyang marinig ang kahit na anong sasabihin 'ko. Sa tuwing lumalapit ako sa kanya lumalayo siya o kaya iiwan nalang niya ako basta-basta.

I think he's mad at me because  of what happen last night. Nagalit ba siya sakin kasi hindi ako pumayag na makipag sex sa kanya? Urgh!

Parang gusto 'ko ng umiyak sa sobrang cold ng pagtrato sakin ngayon ni Keith. Ngayon niya lang ako dinedma ng ganito. Ang sakit pala.

"Keith nagluto ako ng lunch natin oh, tara sabay na tayo kumain." Kahit natatakot akong kausapin siya ginawa 'ko parin na para bang walang nangyari kagabi at akala mo okay kami, na pinapansin niya ako.

"Mamaya na ako kakain. Mauna ka nalang busog pa naman ako e." Hindi man lang niya ako tinitignan. Ump! Kahit sulyap lang parang ayaw niya gawin. Kainis naman.

"Hindi ka na nga nagbreakfast kanina tapos hindi ka pa rin kakain ng lunch. Anong busog ba ang pinagsasasabi mo?" Parang may lungkot sa boses 'ko ng sabihin 'ko yun. Concern lang naman ako sa kanya ei.

"Wag ka na makulit. Kapag sinabi 'kong ayaw 'kong kumain, ayaw 'ko kaya please lang wag mo akong pilitin." Parang may kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib 'ko. Galit ba talaga siya sa akin? Sa tono kasi ng pananalita niya parang may kinikimkim talaga siyang galit sakin.

Hindi na ulit ako nagsalita at hinayaan 'ko nalang siyang pumasok sa kwarto ulit.

Ano pa nga ba ang magagawa 'ko? Edi kakain nalang ako mag-isa. Sayang naman 'tong effort 'ko sa pagluluto.

After I ate the lunch I decided to watch a afternoon show. Siguro dalawang oras na rin akong nanaoood ng tv pero yung utak 'ko si Keith naman ang laman. Dahil sa hindi na ako mapakali sa kinauupuan 'ko at masyado na talaga akong nagwo-worry kay Keith dahil gutom na siguro 'yun eh pumunta na ako sa kitchen para maghanda ng kakainin niya.

After ilang minutes ng paghahanda napagdesisyunan 'ko ng dalhin 'yun kay Keith.

Pagkabukas 'ko ng pinto nadatnan 'ko siyang tahimik na nakaupo sa kama habang nagbabasa ng libro. Hindi 'ko alam kung napansin niya ba akong pumasok o sadyang hindi niya lang ako pinansin.

Ngayon lang nagkaganto sakin si Keith. Yung parang hindi ako nageexsist sa buhay niya.

Inilapag 'ko muna sa sidetable 'yung tray bago umupo sa gilid ng kama. Umasa akong papansinin niya na ako this time pero hindi parin pala, kaya nagsalita na ako.

"Sorry kung masyado akong makulit ahh. Pinaghanda lang kita ng makakain mo baka kasi gutom ka na. Sige maiwan na kita." Malumanay 'kong pagsasalita habang nakatinggin sa kanya.

Bago pa ako makatayo ay hinawakan niya na agad ang kamay 'ko. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso 'ko.

"Magbihis ka!' Nagtataka 'ko siyang tinignan dahil sa sinabi niya. Nakasuot naman ako ng damit ahh bakit kailangan magbihis pa? Ano? Doble-doble?

"Nakadamit naman ako."

"I mean change your clothes. Aalis tayo."

"Saan naman tayo pupunta?"

"Basta."

Naghanap na agad ako sa cabinet 'ko ng damit then after that I go to the bathroom to change clothes. Alanggan naman sa harap niya ako magbihis. Pero pwede rin naman. Hahaha ^__^ joke.

Married To A Maniac Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon