Chapter 56: Late regret
Aria's POV
Ilang araw 'ko rin pinag-isipan ang desisiyon kong ito. Hindi 'ko alam kung ano ba ang mangyayari sa akin sa bansang iyon. Wala akong kakilala duon kundi si Kuya Lucas. Hindi 'ko alam kung ano ba ang mga ugali ng mga tao duon. Pero kahit ang daming bagay na pumipigil sa akin sa pagpunta sa Canada pinilit 'ko parin na labanan lahat ng iyon.
Siguro nga kailangan 'ko ng ibang lugar para maka move-on. Kailangan ko nga siguro umalis muna sa Pilipinas para makalimot.
Ito na ang araw ng pagpunta 'ko sa Canada. Naayos ko na lahat ng mga gamit 'ko at ilang oras nalang ay flight 'ko na. Pero bago ako umalis sa bansang ito minabuti 'ko munang pumunta sa dalawang lugar na alam kong kailangan ko munang kalimutan pansamatala.
Inilapag ko na ang bungkos ng bulaklak sa puntod niya. Marahan kong hinawakan ang pangalan na nakaukit sa lapida niya.
"Attiya anak kamusta ka na diyan sa heaven? Masaya ka ba diyan baby? Si mommy kasi malungkot dito kaya kailangan muna ni Mommy umalis. Kailangan ko anak buohin ang sarili 'ko kasi winasak niyo 'tong dalawa ng daddy mo. Pero hindi ako galit sayo kahit iniwan mo ako. Attiya si Mommy aalis muna. Pupunta ako ng Canada pero pangako babalikan kita dito. Kapag nasiguro 'ko ng maayos na ulit 'tong puso 'ko uuwi na ulit ako. Anak, mommy will miss you. Pangako babalik ako. I love you Attiya. Hanggang sa muli." Tumayo na ako at naglakad palayo sa puntod ng anak 'ko.
Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na nawalan ako ng anak. Siguro nga kailangan ko talaga muna lumayo dito para makalimot. Para kahit kaunti mawala yung mga sakit at sugat ng puso 'ko. Sana lang sa muling pagbabalik 'ko dito tuluyan ng naghilom ang lahat ng 'to.
Isang lugar pa ang pinuntahan 'ko. Ang lugar kung saan nabuo lahat ng pagmamahal ko sa kaniya. Ang lugar kung saan kami muling nagsimula. Ang lugar na naging saksi ng lahat ng saya at pighati ng buhay 'ko. Ang lugar na hindi 'ko na malilimutan kahit kailan.
Pumasok na ako sa unit namin ni Keith. Hindi mababaksan na may tao sa bahay na ito. Mukhang hindi na siya bumalik dito.
Nilibot 'ko sa huling pagkakataon ang lugar na ito. Saglit 'kong dinama lahat ng bagay na nandito. Inalala ko lahat ng masasayang alaala naming dalawa sa bahay na ito.
Napapangiti ako habang naalala ko lahat ng kulitan at asaran namin sa sala na 'to. Parang naamoy ko muli yung mga pagkain na niluluto niya sa akin. Yung pagligo naming sabay sa baniyo. Ang kama na naging saksi ng pagmamahalan namin. Ang cabinet niya na may mga laman paring mangilan-ngilan na damit. Ang balcony na 'to. Ang buong bahay na 'to ay puno ng mga alala-ala. Mga alaala na kailangan 'ko ng kalimutan.
Pumunta ako dito para tuluyan ng isara ang pinto ng nakaraan 'ko. Ang nakaraan na puno ng pait at sakit.
Sana lang mas matagal pa naming nagamit ang bahay na 'to. Sana lang mas marami pang masasayang alaala ang nabuo namin dito. Sana nabuo pa namin ang pamilya namin sa tahanan na ito.
Palabas na sana ako ng pinto nang bigla 'kong makita ang kwintas na nakasabit sa leeg 'ko. Ang proposal gift niya sa akin. The infinity necklace.
Dahan-dahan 'ko na iyong tinanggal sa aking leeg. Mukhang hindi ko na kailangan ang kwintas na ito.
Bumalik ako sa kwarto namin at inilapag ko sa lamesa sa tabi ng kama ang kwintas na iyon. Itinapat 'ko iyon sa litrato namin ni Keith. Isang larawan na masaya kaming magkasama.
Kahit gaano pa kamahal ang halaga ng kwintas na ito, para sa akin wala na itong halaga. Hindi ako ang babaeng mahal niya. Hindi totoo na walang katapusan ang pagmamahal niya sa akin dahil matagal niya ng tinapos ang pagmamahal niyang pinangako. Hindi ako karapat-dapat sa kwintas na yan. May mas nararapat na mag may-ari niyan.