#60: The two of us

2.4K 51 9
                                    

Chapter 60: The two of us

Aria's POV

"Sino pala ang kukuha ng mga libro dun sa mall?" Tanong ni Raine sa aming dalawa ni Pao.

"Ako nalang ang kukuha sa mall. Kayo na ni Paolo ang bahala na mag-ayos ng iba dito sa shop." Pagvo-volunteer ko.

"Sigurado ka bang kaya mo yun lahat? Samahan na kita." Offer ni Paolo sa akin.

"Oo kaya ko na yun. Aalis na ako. Kayo na ang maiwan ni Raine dito." Tumango nalang sa akin si Raine. Yung mukha naman ni Paolo parang ayaw parin ako payagan na mag-isang kukuha nung mga libro.

"Pao okay lang ako. Ayusin mo na yang mukha mo kasi ang pangit mo." Natawa nalang siya sa sinabi ko at umiling-iling.

"Sige aalis na ako kayo na ang bahala dito." Pagpapaalam ko sa kanila.

"Ingat ka Aria. Tumawag ka nalang pag may problema." Paalala ni Pao bago ako umalis.

Naglakad na ako palabas ng shop at naghintay na ng taxi na masasakyan. Ang tagal ko makahanap ng taxi kaya nabasa na ako ng ulan. Hindi rin nakikisama 'tong ulan na 'to eh. Kanina pa 'tong madaling araw at ngayon malapit na maggabi  hindi parin nauubos yung ulan. Ang hirap pa naman mag comute pag ganitong naulan.

Gusto ko na sanang bumili ng kotse kaso nanghihinayang naman ako sa pera kasi saglit lang naman ako dito sa Pilipinas. Baka isang buwan lang o dalawang buwan tapos babalik na ako sa Canada. May trabaho pa kasi akong naiwan dun at napamahal narin sa akin ang bansang iyon.

Nagulat ako nang may biglang tumigil na kotse sa harapan ko. Hindi ako pamilyar sa kotse na yun kaya napaatras ako ng kaunti.

Nagulat nalang ako nang makita ko si na si Keith ang nasa loob. Ibinaba niya ang bintana at dumungaw sa akin.

"Saan ka pupunta?" Sigaw niya para marinig 'ko.

Hindi naman ako sumagot sa kaniya at naglakad lang palayo sa kotse niya. Simula nung araw na nalaman ko na naaalala niya na ako ay hindi ko na siya pinansin pa. Lagi niya akong kinakausap at tinatanong ng kung ano-ano pero ni isang sagot wala siyang nakuha mula sa akin.

Gusto kong maramdaman niya na iba na ang sitwasyon namin ngayon. Ang tagal kong nagmove-on sa kaniya tapos ngayon lalapit-lapit siya sa akin. Madaling magpatawad pero sobrang hirap makalimot. Naniniwala ako na lahat ng masasaya at malulungkot na nangyari sa buhay mo ay babalik at babalik sa isip mo. Kahit pilit mong kalimutan kakatok at kakatok parin yan sayo at kahit hindi mo pagbuksan pilit na manggugulo yan sa utak mo.

Masyadong marami kaming alaala sa isa't-isa at ngayon palang na ilang araw kaming magkasama unting-unti na ulit bumabalik ang mga alaala na iyon.

"Aria saan ka ba pupunta?" Bumaba siya ng kotse ng walang dalang payong kaya ngayon basang-basa na siya.

Naglakad lang ako palayo sa kaniya at hindi pinansin ang presensiya niya.

"Aria samahan na kita. Wala ka ngayong mahahanap na taxi sa ganitong panahon." Sumusunod parin siya sa akin pero kunyari ay wala akong naririnig.

"Aria pansinin mo naman ako! Tignan mo basang-basa na ako!" Tumigil ako ng paglalakad at hinarap siya.

"Bakit ako ang sinisisi mo ngayon?! Sinabi ko ba na lumabas ka ng kotse mo at magpaulan?! Inutusan ba kitang gawin mo yun?! Hindi diba, kaya wag ako ang sisihin mo!" Pagkasigaw ko sa kaniya ay naglakad na ulit ako palayo.

"Aria hindi kita sinisisi. Gusto ko lang ihatid ka kung saan ka man pupunta." Sumukob siya sa payong ko at hinawakan ang braso ko para patigilan ako sa paglalakad.

Married To A Maniac Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon