Chapter 44: Ride
Aria's POV
"Ang boring naman dito Ria." Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya.
"Hindi kaya." Sagot ko sabay tuloy sa paglalakad.
Nasa park kami ngayon ni Keith. Dito ko kasi siya niyaya pumunta. Medyo namiss ko na kasi sa mga ganitong lugar kasi hindi na ako nakakapunta dito.
"Ayaw ko na dito. Sumasakit lang paa ko sa kalalakad." Reklamo niya ulit.
"Saan mo gusto pumunta?"
Sandali siyang nag-isip at nang mukhang may alam na siya na pwede naming puntahan agad-agad niya na akong hinila pabalik ng sasakyan.
"Keith saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya nang nagsimula na niyang paandarin ang kotse.
"Secret. Basta mag-e-enjoy ka dun." Lumapad ang ngiti niya na para bang iniisip na niya yung mangyayari sa pupuntahan namin.
"Siguraduhin mo lang ahh." Banta ko sa kaniya.
"Oo masaya dun mas masaya kaysa dun sa Park na gustong-gusto mo." I rolled my eyes on him but he just laugh at me.
Tahimik lang kami sa buong biyahe. Ayaw niya kasi talaga sabihin kung saan ba kami pupunta kaya hindi ko nalang siya kinausap.
Huminto kami sa isang bakanteng lote. Hindi ko alam kung parking lot ba to kasi wala namang kahit na anong establishment. Puro puno at damo lang ang nakikita ko.
So tingin niya hindi dito boring? Mukhang mas boring pa nga dito kaysa sa park. Atleast dun may makikita ka pang ibang mga tao eh dito mukhang kami lang yung tao.
"Baba na." Hindi ko na namalayan na nakababa na pala si Keith.
Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya bumaba na rin ako. Nag-unat-unat muna ako pagkababa ko dahil nangalay din ako sa byahe. Mahigit dalawang oras din ata yun.
"So you think I will enjoy this place?" Mataray kong tanong sa kaniya.
"Yea..." Sagot niya sabay pasok ng kamay niya sa bulsa niya.
"Anong gagawin natin dito? Manunungkit ng mangga at magbunot ng damo?" Pagsusungit ko sa kaniya. Nakakainis kasi. Umalis kami sa park kasi garden naman pala ang gusto niya.
"Pwede rin. Pero hindi. Tara na nga." Hinila na nanaman niya ako sa kung saan man kami papunta.
Tumigil na siya sa paghila sa akin so I assumed na nandito na kami sa gusto nanaman niyang puntahan.
Nagulat ako nang pagtingin ko sa paligid ay ang daming mga motor. May ilan-ilan ding mga tao na nanduon. Ano to karerahan?
Lumapit si Keith dun sa isang lalaki at iniwan ako ditong nakatayo. Bastos talaga to eh. Nakitang may kasama siya iiwan niya nalang basta-basta.
Nilibot ko ang paningin ko sa lugar at mukhang maganda naman dito. Ang ganda ng arrangements ng mga puno. Parang sinadya na ganun ang pwesto nila. Ang dami ring bulaklak sa paligid at ang gaganda. Parang gusto ko tuloy pitasin lahat tapos iuuwi ko sa bahay.
"Ria come here." Nasanay na ako sa Ria na tawag niya sa akin. Hindi niya daw kasi maalala pag Aria kay Ria nalang. Ang weird talaga nitong kumag na 'to.
Lumapit ako sa kaniya at binigyan niya ako ng helmet. Tinignan ko lang yung helmet na binigay niya sakin at hindi ko yun sinuot.
"Problema mo?" Tanong niya.
"Sasakay ba tayo diyan?" Tinuro ko yung motor na nasa gilid niya at tumango siya.
Seryoso ba siya? Hindi ako sasakay sa motor na yan tapos siya pa ang magpapaandar. Alam ko kung gaano yan kahalimaw pagdating sa pagpapaandar ng sasakyan kaya hindi ko isusugal yung buhay ko.