#35: Public Exposure

2.1K 39 2
                                    


Chapter 35: Public Exposure

Aria's POV

Kakatapos lang namin manuod ng sine ni Keith. Hindi ko naman naenjoy kasi puro barilan. Puro dugo at bangkay nga lang ang nakikita ko kaya inantok ako pero siya buhay na buhay ang diwa. Mga lalaki talaga gusto yung mga mararahas na bagay.

Nandito ko ngayon sa restroom dahil nagre-retouch ako. Na haggard kasi ako sa dalawang oras na pananatili sa sinehan na walang ginawa kundi matulog. Yeah! Natulog lang ako.

"Grabe ang gwapo nung nasa labas. Artista ba yun. CRUSH KO NA SIYA!!!" Nabaling ang atensiyon ko sa dalawang babae na kakapasok lang ng restroom dahil sa lakas ng boses niya. Mukhang pati ang ibang babae na kasama ko sa loob ay napatingin sa kanilang dalawa.

"S-Sorry..." Humingi ng paumanhin ang kasama nung babae nang napansin niyang nakatingin na sa kanila lahat.

Bumalik na ako sa ginagawa ko at tinapos ko na ang pagli-lipstick ko. Kung uuwi na sana agad kami ni Keith hindi na sana ako mag-aayos kaso kailangan pa kasi namin mamili ng mga damit na dadalhin niya papuntang Davao. May importante kasi siyang aayusin dun at mukhang tatagal ang pananatili niya doon ng isang linggo.

Lumabas na ako at nakita ko si Keith na naghihintay sa gilid ng restroom habang nakapamulsa at nakasandal sa pader.

Ngayon alam ko na kung sino ang gwapo sa labas. Ang lakas talaga ng dating ng lokong 'to dahil pati yung mga napapadaan na babae hindi naiiwasang mapatingin sa kaniya at mapangiti.

"Let's go." Yaya ko sa kaniya sabay kapit sa braso niya.

Hindi naging madali ang pagkakaayos namin ni Keith. Kahit kasi sinabi na niya na maayos na kami, ramdam ko na hindi parin humuhupa ang selos niya kay Derrick. 

Lahat ng detalye ipinaliwanag ko sa kaniya pero hindi sapat ang mga salita ko para maniwala agad siya kaya maging si Derrick ay kinausap niya.

May mali ako sa nangyari sa amin kaya ngayon mas nagiging maingat na ako sa mga ginagawa ko. Hanggang kaya ko ay tinatangihan ko si Derrick sa mga pagyayaya niya. Sa pagpunta sa bahay niya, pagbisita sa coffee shop namin ni Raine, pagkain sa labas, panonood ng sine at marami pang iba.

"Where do you want to eat?" Natigil ang pag-iisip ko nang akbayan ako ni Keith.

"Sa bahay nalang siguro. Pagluto mo nalang ako."

"Dito nalang, pagod na ko pagkarating natin sa bahay tapos paglulutuin mo pa ako." Tinulak ko siya kaya natanggal ang braso niya sa pagkaka-akbay sakin.

"Sinayang mo ang dalawang oras ko sa sinehan kaya ipagluto mo ako." Utos ko sa kaniya.

Napakamot nalang siya ng ulo at napangiti.

"Oo na. Pasalamat ka mahal kita."

"Salamat."

Inirapan niya lang ako at hinila na ako. Grabe talaga 'tong lalaking 'to napaka marahas nadin. Ginagaya niya ata yung mga napapanood niya kaya ganiyan din umasta. Ang higpit kaya ng pagkakahawak niya. Tingin ko nga namumula na ang pala pulsuhan ko.

"Ouch!" Napatingin ako sa batang bumanga sakin at napaluhod dahil sa lakas ng impact.

Hindi naman niya siguro sinasadya ang pagbangga kaya hindi naman ako nagalit.

Yumuko ako upang tulungan siya. He's a cute boy, a very cute boy. I think he's just three years old but he has this charm that can make any girl smile.

"Are you okay?" Nginitian ko siya at nagulat ako ng namula ang matataba niyang pisngi.

Nahihiya siyang tumango sa akin." I'm sorry."

Married To A Maniac Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon