#48: It's always her

1.7K 30 3
                                    

Chapter 48: It's always her

Aria's POV

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata nang may marinig akong mga kalansing sa kusina. Medyo nabigla pa ako kasi nasa sala pala ako at wala sa kwarto.

Natagalan bago nagsink in sa utak ko na dito nga pala ako nakatulog sa sofa kakahintay kay Keith.

Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad papuntang kusina. Doon ko siya naabutan na nagluluto. Hindi ko alam kung dapat ba batiin ko siya o sigawan dahil pinaghintay niya ako magdamag.

"Hi." Naiilang siyang tumingin sa akin pero hindi ko siya binati.

"I prepared breakfast." Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy lang ako na naglakad at nilagpasan ko siya. Lumapit ako sa sink at duon ako naghilamos ng mukha.

"Let's eat." Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko pero agad kong tinanggal yung kamay niya. Naiinis ako, sobrang naiinis ako sa kaniya.

Pinaasa niya ako na dadating siya pero hindi naman siya umuwi ng maaga. Mas inuna niya pa yung trabaho niya kaysa sa akin. Sa akin na asawa niya.

"Paano mo nagagawang umarte na akala mo walang nangyari?" Inis ko siyang tinapunan ng masamang tingin kaya napaiwas siya sa akin.

"Anong oras ka na umuwi kagabi. Ay mali pala umaga ka na pala umuwi." Hindi niya parin ako magawang tignan ngayon.

"Sorry..." Mahina niyang sambit.

"Ilang araw ka na Keith na ginagabi. Okay lang naman e, kaso kasi kagabi hindi ko na kayang palampasin. Anniversary natin yun. Sinabi ko sayo na umuwi ka ng maaga pero umuwi ka umaga na." Sa pagkakataong ito tumingin na siya sa akin. Sinubukan niya ulit hawakan ako pero iniwas ko na ang sarili ko.

"Sorry talaga. Hindi ko naalala. Nawala sa isip ko kasi ang dami kong ginagawa." Pagpapaliwanag niya sa akin.

Pagdating naman talaga sa akin hindi niya naalala ang lahat. Ewan ko ba kung sinasadya pa talaga ng tadhana na sa lahat ng pwede niyang kalimutan ako pa. Ako pa talaga.

"Tumawag ako sayo kagabi. Hindi mo sinasagot. Nasan ka ba talaga para maging sobrang busy mo?" Umiwas ulit siya sa akin ng tingin at sinabing. "Marami lang talagang ginagawa."

Pumikit muna ako sandali para makapag-isip ng maayos. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Sinubukan kong kumbinsihin ang sarili ko na maniwala kay Keith at intindihin siya. Sinubukan kong huminahon kahit sa loob-loob ko gusto ko sa kaniya ibato lahat ng bagay na pwede kong makuha dito.

Minulat ko na ang mata ko at nagpakawala ako ng buntong hininga. Hinawakan ko ang damit ni Keith at hinigit na siya papunta sa lamesa. Nakita 'kong nabigla siya pero hindi naman siya umangal. Pagkaupo na pagkaupo namin sa lamesa wala na siyang ibang ginawa kundi humingi ng tawad sa akin.

Alam ko naman na busy talaga siya sa trabaho at naiintindihan ko yun, kaso ang ayaw ko lang naman kasi ay yung gugugulin niya lahat ng oras niya kakatrabaho. Ayaw ko na mastress agad siya. Nasa process parin kami ng recovery niya kaya kailangan hindi muna siya nag-iisip ng maraming bagay.

Binigyan ako ng malapad na ngiti ni Keith nang sinabi kong okay na. Sinabi niya na hindi na daw mauulit.

Sinabi ko nga sa kaniya na huwag na muna siyang pumasok ngayong araw pero ayaw naman magpapigil. Dinahilan na naman yung mga gagawin niya. Sinabi pa sa akin na huwag ko na daw siya hintayin kasi baka gabihin daw ulit siya.

Hindi ko naman siya pinakingan sa huling sinabi niya. Hinintay ko parin siya dumating kahit gabing-gabi na. Nagulat pa nga siya nang pagbukas niya ng pinto ako agad ang nabungaran niya.

Married To A Maniac Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon