#57: Far from me

2.1K 47 8
                                    

Chapter 57: Far from me

Keith's POV

Napatigil ako sa pagiyak at napalingon ako sa pinto nang biglang bumukas ito.

"Keith..." Umaasa ako na siya na 'yun pero nabigo ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon sa kaniya. Galit o awa?

"I want to talk to you. Why did you leave me there?" Nanginginig ang gilid ng mga mata niya at nagbabadya na siyang umiyak. Lumapit siya sa akin pero agad din akong lumayo sa kaniya. I can't take to see her again.

Hindi ko lubos maisip na ang babaeng 'to ang sinamahan ko ng ilang buwan nang iwan ko siya. Nasusuka ako sa tueing maalala ko yung mga nangyari sa amin.

"I remember everything. And I realized that I'm totally crazy ang incredibly insane to asked you to marry me. I don't like you either." She started to sob.

"Alam kong mahal mo ako Keith. Pinaramdam mo yun sa akin kaya hindi mo ako pwedeng iwan. You cannot just leave me whenever you want." She shouted at me.

"Tingin mo hindi ko yun pwedeng gawin? Fvck it Megan. I don't love you or like you so don't expect that I will stay with you. Thanks God hindi pa tayo nakakasal nung naalala ko siya. I'm still lucky after all." Napasabunot nalang ako sa ulo ko habang iniisip na kung nakasal na kami ni Megan bago ako nakaalala mas malaking problema yun.

"Keith ako na yung pinili mo. Iniwan mo na si Aria. Akin ka na!" Hindi ako makapaniwala na nagawa kong iwan ang asawa ko para sa babaeng 'to.

"Ikaw yung pinili ko kasi hindi ko siya maalala. Oo iniwan ko siya at ikaw, pwede rin kitang iwan."

Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Keith please don't leave me. I love you Keith. Mahal mo ako diba? So please Keith huwag mo akong iwan."  Binigay ko ang lahat ng lakas ko para alisin ang mga braso niya sa akin. Hindi ko na gugustuhin na malapatan pa ng kahit na anong parte ng katawan niya ang katawan 'ko.

"Sinabi ko na sayong hindi kita mahal. Ano ba ang hindi mo dun maintindihan? Bingi ka ba o nagtatanga-tangahan ka? Tangina Megan nasaktan ko yung babaeng pinakamamahal ko nung sumama ako sayo!" Bahagya ko siyang tinulak palayo sa akin. Kapag nakikita ko yung pagmumukha niya mas lalong dumadagdag ang galit ko sa kaniya.

"Keith ginusto mo yun! Ikaw yung nagpumilit na sumama sa akin! Ikaw yung nagyayang makipag sex sa akin kahit alam mo na kayo pa ni Aria! Keith lahat ng 'to kagustuhan mo kaya hindi mo ako pwedeng sisihin sa nangyari sa inyo!" I started to clench my fist. If she's not a girl and I'm no gentleman I will definitely punch her.

Alam 'ko na ginusto niya lahat ng mga nangyari sa amin ni Aria. Siguro nga planado niya lahat ng 'to. Sa simula pa lang umaaligid-aligid na siya sa akin. Kung matino ba naman siyang babae hindi na dapat siya nagpakita sa akin simula palang.

"Putangina Megan! Alam mo na may sakit ako! Alam mo na hindi ko naalala si Aria! Pero anong ginawa mo? Hindi mo manlang ako pinigilan na sumama sayo! Hindi mo nalang ako pinagtabuyan! Tinanggap mo rin ako kasi gusto mo! Tangina sa ating dalawa ikaw yung nakakapag-isip ng matino nung mga panahong yun pero natuwa ka rin eh. Bakit sarap na sarap ka sa akin? Wala na bang pumapatol sayo kaya pati ako sinulot mo sa kapatid mo!" Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kaniya.

"Keith ang kapal ng mukha mo! Akala mo ba ganun kadali na ipagtabuyan ka! Akala mo ba napakadali sa akin na wag kang pansinin kahit habol ka ng habol sa akin. Akala mo ba madali lang yun ha?! Tingin mo katawan mo lang yung habol ko?! Alam mong mahal kita at sige ako na ang may  kasalanan. Sorry ahh. Sorry kasi hindi ko na kinaya na saktan ka kaya tinanggap nalang kita kahit alam kong masasaktan ko si Aria. Wala naman akong pakialam dun eh. Mas mahalaga ka para sa akin kaysa sa kaniya."

Married To A Maniac Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon