Again this chapter is not edited. Sorry for typographical errors and wrong grammars. I'm very busy kaya wala na akong time mag edit nito at kaya natagalan din ang update. Sorry guys. Love you all. Hope you understand beshieess.
Chapter 62: Fake Love
Aria's POV
After akong iwan ni Keith ay wala na akong choice kundi ang umuwi mag-isa.
Hindi na ako pumunta sa shop at dumiretso nalang ako sa Condo Unit ko. Sinayang ko ang oras ko sa kakatunganga sa bahay ko. Nawalan na kasi ako ng gana na gumalaw.
Ang daming gumugulo sa isip ko ngayon. Hindi ko kasi alam kung nasaan na pumunta si Keith. Kung galit ba siya sa akin? Kung ano nanaman ang mangyayari sa relasyon namin ni Keith? May mababago ba sa amin?
Siguro this time talagang sira na kami. Hindi na namin pwedeng mabalik yung dati. Hindi na namin mabubuo yung nasira naming relasyon. Itinadhana na sigurong hanggang dito nalang kami. Hanggang sa magkakilala nalang kami pero wala na yung string na nagkokonekta sa amin.
Sana matapos na yung problema sa coffeeshop namin pera makabalik na ako sa Canada. Duon nalang ulit ako, kasi nasasaktan lang naman ako sa tuwing nandito ako Pilipinas.
Hindi ko na namalayan na sa dami ng iniisip ko ay nakatulog na ako.
Nagising lang ako nang bigla akong nakarinig ng doorbell. Naniningkit pa ang mga mata ko nang bumangon ako mula sa kama. Ala una na pala ng madaling araw. Sino ba yung nambubulabog ng disioras ng gabi?
Mabagal akong naglakad papunta sa pinto. Bago ko iyon buksan ay sinilip ko muna sa peep hole kung sino yung tao sa labas. Biglang nawala ang antok ko nang makita ko na si Keith ang nasa labas.
Dali-dali ko ng binuksan ang pinto at nabigla ako nang bigla siyang tumumba sa sahig.
"Oh my ghad Keith!"
Pagyuko ko ay naamoy ko na agad ang alak na bumabalot sa buong katawan niya. Bakit ba siya nagpakalasing ng ganito?
Inalalayan ko siyang tumayo at pagewang-gewang kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa kama. Pagkalapag ko dun sa kaniya ay hindi na siya gumalaw. Lasing na lasing kasi kaya nakatulog na agad.
Iniwan ko muna siya duon at kumuha ng towel sa baniyo para mabawas-bawasan ang amoy ng alak sa katawan niya.
Hinubad ko na ang gusot-gusot niyang damit sa katawan niya at sinimulan ko na siyang punasan. Nawala wala na ang amoy ng alak sa katawan niya matapos ko siyang punasan. Hindi ko na binalik ang pang itaas niyang damit dahil ayun yung amoy alak. Hinayaan ko nalang na nakahubad siya. Sanay naman siyang matulog ng ganiyan.
Matapos ko siyang maasikaso ay sumampa narin ako sa kama. Kinumutan ko muna siya bago ako tuluyang humiga.
Kawawa naman si Keith. Alam kong naglasing siya dahil hindi niya matanggap na patay na ang anak namin. Pakiramdam ko talaga kasalanan ko kung bakit nangyari ang mga yun. Ako talaga ang dapat sisihin sa pagkamatay ng anak namin pero hindi ko naman ginusto na mangyari yun. Hindi ko gugustuhing mawalan ng anak.
Mas lumapit ako sa kaniya at dahan-dahan kong hinaplos ang mukha niya.
Ngayon ko nalang ulit siya natitigan ng ganito kalapit. Buti naman sinunod niya yung sinabi ko na magahit na siya. Mukha kasi siyang bad boy kapag may beard, mas bagay pag wala, mukha siyang anghel.
I trace his nose down to his lips.
"You don't know how much I love you. You don't know how much I want you to be my husband. You don't know how much I want us to have a children, and to be a family." I whisper while looking at him.