Chapter 49: Airport
Aria's POV
"Ha? Anong gagawin niyo diyan?" Nagtataka kong tinanong si Gian sa kabilang linya.
'Hindi ko rin alam eh. Hinigit lang ako bigla ng asawa mo.'
"Nasaan si Keith?" Nag-aalala kong tanong habang nagsisimula na akong maghanda ng sarili ko.
'Dito sa tabi ko. Parang gago na nga eh.'
"Sige na susunod nalang ako diyan."
'Dalian mo ahh. Hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin 'tong asawa mo. Parang sinisilihan na yung pwet.'
Narinig ko yung boses ni Keith na pinagmumumura si Gian. Ibinaba ko na agad ang cellphone ko matapos patayin ni Gian ang tawag. Nagmadali na akong nagpalit ng damit bago lumabas ng bahay.
Naghanap na agad ako ng taxi na pwedeng sasakyan papuntang airport. Hindi ko narin kasi kakayanin magdrive ngayong kabado na ako.
"Kuya pwedeng pakibilisan po." Sabi ko sa taxi driver. Tumango naman siya sa akin at sinunod ang sinabi ko.
Ano bang gagawin ni Keith sa airport? Wala naman siguro siyang flight dahil wala naman siyang sinasabi sa akin. Hindi niya na nga ulit ako kinakausap. Tatlong araw na niya ako dinededma kaya di ko rin siya matanong kapag gusto ko.
Simula nang may nangyari sa amin naging cold na siya. Tuwing mag i-insist naman ako na magsorry dahil sa nangyaring yun hindi niya na ako pinapayagan na magsalita. Kalimutan ko nalang daw 'yun. Kunyari walang nangyari nung gabing 'yun.
Hindi ko alam kung naalala niya lahat ng nangyari nung gabing yun dahil sobrang lasing siya. Kapag tinatanong ko kung bakit siya nag-inom hindi niya naman sa akin sinasabi. Madalas na nga kami mag-away dahil sa hindi niya na ako gusto kausapin.
Nag-iba nanaman ang ugali niya. Akala ko nga magiging okay na kami dahil nung mga nakaraang linggo ayos lang naman ang pakikitungo niya sa akin. Simula nang pumasok na ulit siya sa trabaho nagkagulo-gulo na ulit.
Huminto na ang taxi at nagbigay na agad ako ng bayad. Nagmadali na akong pumasok sa loob ng airport. Inikot ko ang mata ko sa loob pero hindi ko makita si Keith at Gian.
Naglakad ako ng mabilis at inisa-isa kong tignan ang mga tao sa loob ng airport pero wala parin. Hindi ko parin sila makita. Nasaan na ba sila.
"Aria!" Napalingon agad ako at nakita 'ko si Gian na tumatakbo palapit sa akin. Mukha siyang natataranta.
"Nasaan si Keith?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya dahil hindi niya kasama si Keith.
"Hindi ko rin alam eh. Naghiwalay kasi kami pagdating dito." Paliwanag niya.
"Ano ba kasing ginagawa niyo dito?" Nagsimula na kaming maglakad ni Gian habang hinahanap si Keith.
"Si Megan aalis na daw kasi." Napatigil ako sa paglalakad nang marknig ko nanaman ang pangalang iyun.
"Si Ate? Ano naman kung aalis na si na siya? Sasama si Keith?" Lalo akong kinabahan sa naiisip ko. Huwag naman sana kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mangyayari yun.
"Pipigilan niya ata. Sabi niya kasi kanina hindi niya daw hahayaang makaalis si Megan dito." Napapikit nalang ako dahil sa frustration na nararamdaman 'ko.
"Paano niya nalaman na aalis na si Ate? Nagkikita na ba sila ulit?"
"Ewan ko Aria. Wala rin akong idea. Hindi ko naman nakikita na napunta sa opisina ni Keith yung kapatid mo. Isang beses ko lang siya dun nakita pero hindi naman si Keith ang sadya niya." Nagsimula na ulit kaming maghanap ni Gian.