Chapter 51: We're done
Aria's POV
Hindi umuwi si Keith. Buong gabi akong nagpuyat para hintayin siya pero hindi talaga siya dumating. Kahit wala pa akong tulog nagbihis na agad ako para bumalik sa bahay namin. Oo tanga ako kasi naisipan ko pang bumalik sa bahay na 'yun pero wala eh kapag nagmamahal ka nagiging tanga ka.
Kailangan 'ko ng makausap si Ate. Hindi 'ko kakayanin na buong araw lang ako dito sa bahay habang iniisip kung uuwi ba ang asawa 'ko o hindi.
Pagkadating ko sa bahay namin naabutan 'ko si Ate na pababa ng hagdan na nakapustura. Mukhang aalis siya. Ang kapal ng mukha niyang lumabas pa ng bahay na 'to. Kung ako sa kaniya mas pipiliin ko nalang na magtago sa loob ng kwarto 'ko.
"I didn't expect you to be here." Nakataas na kilay niyang pagbati sa akin.
"I didn't also expect you to be shocked?" Pabalik kong sagot sa kaniya.
"Kung hinahanap mo si Keith wala siya dito. Kanina pa siya umalis at sabi niya papasok daw siya sa trabaho. Bakit hindi ka ba inuwian? Kawawa ka naman." Nakangisi pa siyang umiiling-iling sa akin.
Ang sarap niyang hilain paakyat ng hagdan at tulakin pababa. Siya pa talaga ang may lakas ng loob na kausapin ako sa ganitong tono ng pananalita niya. Ang kapal ng mukha.
"Ikaw yung pinunta 'ko dito! Gusto ko kasing ipaalam sa'yo na sobrang landi mo para agawin si Keith sa akin. Tigang na tigang ka na ba kaya pati ang asawa 'ko pinatulan mo na!" Pagpipigil 'ko ng galit na sigaw sa kaniya.
"Excuse me hindi ako ang nag insist na makipag sex kay Keith. He's the one who keep on chasing. And by the way he is not your husband? Did you forgot? You're just in this shit fake marriage." Naghand gesture pa siya para sa dagdag drama effect ng sinabi niya.
"Maybe we really had a fake marriage but still he is my fiance. He is my boyfriend and you bitch has the nerve to fvck him!" Pinagtaasan ko rin siya ng kilay habang papalapit ako sa kaniya. Nakita ko naman na humakbang siya palayo.
"I'm not a bitch!" Pabalik na sigaw niya sa akin habang nagtatangis ang mga bagang niya.
"Yes you are. You are a bitch, a slut, a whore and kinda prostitute!" Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kaniya pero isang mapait na ngiti lang ang ibinigay ko sa kaniya.
"Masakit bang marinig ang mga pangalang yun. Well it fits you. Megan the bitch, Megan the slut, Megan the whore, Megan the prostitute. Look, all of the words fits you!" Sasampalin pa sana niya ako pero inunahan ko na siya.
Siya pa talaga ang may ganang manakit sa akin ngayon. Siya 'tong may kasalanan kaya dapat siya itong dapat saktan.
"Aria mahal ko si Keith at aminin mo man o hindi mahal niya rin ako!"
"Mahal ka lang niya kasi ikaw lang ang naalala niya pero alam mo rin na bago ang aksidente kinamumuhian ka niya. Ako ang mahal niya at kailangan mong tanggapin yun!"
"Hindi Aria ako na ang mahal ni Keith at kailangan tanggapin mo na 'yun! Tapos na ang maliligayang araw mo sa kaniya dahil akin na siya."
"Alam mo ate pinagkatiwalaaan kita. Naniwala akong bumait ka na pero lahat ng yun pala ay kasinungalingan lang kasi ang totoo demonyo ka!"
"It's not my fault that you are too stupid. I told you Aria before that I will do everything to win him back. Maybe you two are not meant for each other. You need to accept the reality."
"Hinding-hindi ko tatanggapin na mapupunta sa'yo si Keith. Akin parin siya at kahit anong gawin mo hindi siya mapupunta sayo!" Tinulak ko siya ng malakas kaya nawalan siya ng balanse at napaupo siya sa sahig.