Chapter 39: London
Aria's POV
Naging mabilis lang ang paggaling ko. Ilang therapy lang ang pinagdaanan ko bago ulit ako nakalakad. Nung una sobrang hirap dahil isang buwan din akong nakaupo lang sa wheel chair at hindi rin ako nakakatayo kaya walang exercise ang mga tuhod at paa ko. Akala ko nga hindi na ako makakalakad dahil parang hindi ko na nararamdaman ang mga binti ko pero sabi ng doctor ay epekto lang naman yun ng mga pain killer na iniinom ko.
Hindi nawala sa tabi ko si Raine at Derrick. Sila ang laging nakabantay sa akin dahil hindi na naman kaya ni Mom and Dad ang puyatan. Still, they are visiting me everday. Nakarating narin kay kuya Lucas ang nangyari sa amin at kagaya nga ng inaasahan, uuwi sana siya ulit dito sa Pilipinas pero hindi na ako pumayag. He has alot to do in our business abroad and I don't want to be a burden to anyone.
Si Ate Meg? Wala na akong balita sa kaniya. Ang alam ko umalis na siya ng Pilipinas. Matagal-tagal na nga rin simula nung nawala siya. One year narin ata.
"Anak magpahinga ka na. Kami na muna ang magbabantay kay Keith." Hinawakan ni Tita Cielo ang balikat ko at binigyan ako ng ngiti.
Mahirap din para kay Tita and Tito ang nangyari kay Keith, lalo na't anak nila ito. Hindi parin kasi nagigising si Keith hanggang ngayon pero umaasa kami na isang araw ay magigising na rin siya.
"Tita okay lang po ako. Kayo po ang dapat na nagpapahinga. Hindi po maganda kung magpupuyat pa kayo ni Tito Raff dito. You should go home now. Huwag po kayong mag-alala. Babantayan ko po ng mabuti si Keith."
"Hija ikaw ang inaalala namin. Ilang buwan ka ng puyat. Baka napapagod ka na." Saad ni Tito Raff.
"Hinding-hindi po ako mapapagod basta para kay Keith. Mahal na mahal ko po ang anak niyo at handa po akong samahan kahit na anong mangyari."
Hinawakan ni Tita Cielo ang kamay ko at binigyan ako ng isang ngiti. "Maraming salamat Aria sa lahat. Hindi nagkamali ang anak ko sa pagpili sayo. Napakabuti mong asawa para sa kaniya."
"Ganun naman po talaga kapag mag-asawa diba. Magkasama sa hirap at ginhawa."
Hindi narin nagtagal ang pag-uusap namin ni Tita at umuwi narin sila. Mas makakabuti kung nandito ako sa tabi ni Keith para kung sakali man na magising siya, ako agad ang makikita niya.
Isinarado ko na ang pinto matapos makalabas si Tita at Tito at bumalik na ako sa tabi ni Keith.
Umupo ako sa gilid ng kama niya at inayos ang kumot na nakabalot sa kaniya. Hanggang ngayon hindi parin ganun ka stable ang kondisyon ni Keith. Minsan bumababa nalang bigla ang blood preasure niya kaya kailangan lagi akong nakabantay para alam ko ang mga nangyayari sa kaniya kada minuto.
"Keith naalala mo pa 'tong kwintas na binigay mo sa akin. Sabi mo sign to ng engagement natin diba? Alam mo bang hindi ko 'to tinatanggal. Napakaimportante kasi nito sa akin. Galing kasi sayo." Hinawakan ko ang diamond necklace na ibinigay niya sa akin. Inaalala ko yung panahon kung kailan niya ibinigay sa akin yun.
Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Fresh pa sa utak ko ang mga alaala na yun. Pakiramdam ko nga walang nangyaring aksidente. Parang dati lang. Masaya lang kami. Pagseselos niya lang yung pinoproblema namin pero at the end of the day nagkakaayos narin. Sana ganun nalang. Sana ganun nalang ulit.
"Ipinangako mo pa nga diba na pakakasalan mo ako kaya dapat gumising ka na para matupad mo yun. Imulat mo na yang mata mo at tumayo ka na diyan mokong."
Casual ko lang siya kausapin. As if gising siya at naririnig niya ako. Minsan nga nakakainis kasi nasanay ako na lagi siyang nagrerespond sa akin kaso naalala ko rin agad na tulog parin pala siya. Ilang buwan na nga ba ang nakalipas simula nang nacomatose siya. Parang mahigit isang taon na ata.