#64: Stupid Love

2.3K 41 10
                                    

This chapter is not edited...sorry guys. Pagpasensiyahan niyo na muna ako. Love lots ❤

Chapter 64: Stupid Love

Keith's POV

"Sorry Sir pero ginawa na po namin ang lahat ng makakaya namin. Wala na po ang asawa niyo."

Biglang nanginig ang mga tuhod ko nang marinig ko yan sa Doctor. Kinilabutan ako at biglang kinabahan sa mga narinig ko.

Iyak ng iyak ang lalaking malapit sa akin nang sabihin yan sa kaniya ng Doktor na kakalabas palang ng operating room.

Halos mapahiga ang lalaki sa sahig dahil sa pagkabigo na narinig niya sa Doctor.

Natakot ako at hiniling na sana hindi ganiyan ang sabihin sa akin ng Doktor matapos nila operahan si Aria.

Baka kagaya ng lalaking 'to, ganiyan din ang maging reaksiyon ko. Nawalan na ako ng anak at hindi ko nakakayanin pang mawala siya.

Hindi ako mapakali dito sa labas ng emergency room habang hinihintay matapos ang operasiyon niya. Pabalik-balik ako akong naglalakad at paulit-ulit na ginugulo ang buhok ko.

Bakit niya ba kasi sinalo pa yung bala na para sa akin? Bakit hindi niya nalang hinayaan na sa akin tumama ang mga yun? Bakit mas ginusto niyang masaktan siya?

Ako na ang naging dahilan ng pagkamatay ng anak namin at ngayon ako rin ang dahilan kung bakit nanganganib ang buhay ng ina ng anak ko.

"Keith! Nasaan na si Aria? Kamusta siya?" Tumatakbong nilapitan ako ni Raine kasama si Gian at Paolo.

"Nasa loob pa siya. Inooperahan."

"Ano bang nangyari? Bakit nabaril siya? Papunta na dapat siya ng Canada ngayon ahh." Kaba at takot ang nakikita ko sa mukha ni Raine.

I feel the same. Kinakabahan din ako para sa buhay ng pinsan niya. Hindi ko rin ginusto na mangyari 'to.

"Siya yung natamaan ng bala na dapat para sa akin." Simpleng sagot ko sa kaniya.

Wala ako sa katinuan para sabihin ang buong pangyayari sa kaniya dahil ang nararamdaman ko lang ngayon ay pangamba at takot para kay Aria.

"Ano bang naisip ng babaeng yun?" Napaupo nalang si Raine at napasapo sa ulo niya.

Si Gian naman ay nilapitan ako at pilit din na pinapakalma. I can't be calm in this situation. Kung pwede nga lang na pumasok ako sa loob ng kwarto na yun ginawa ko na. Paano ako kakalma kung alam ko na nasa bingit ng kamatayan si Aria.

"Who are the relatives of the patient?" Sabay kaming sumagot ni Raine nang biglang lumabas ang isang Doktor.

Lumapit na agad kami sa kaniya at hinintay ang sasabihin niya. Nakailang beses ko ng pinapaulit-ulit ang dasal ko na sana ligtas siya at maayos lang siya. Kung sino-sino ng santo ang dinasalan ko para lang tulungan siya.

"Kamusta na po ang pinsan ko?" Naluluhang tanong ni Raine sa Doktor.

"Maayos na ang kalagayan niya. Makakahinga na kayo ng maluwag. Pwede niyo narin siya bisitahin sa recovery room. Ipapabigay ko nalang sa nurse mamaya ang mga gamot na kailangan niyong bilhin." Talagang nakahinga ako ng maluwag nang sabihin yan ng Doktor.

Buti naman ligtas na siya.

Hinintay na namin na mailipat si Aria sa recovery room. Ibinigay narin sa akin ng nurse ang mga reseta na gamot na kailangan niyang inumin. Nag-insist na si Raine na siya na ang bibili at ako na ang magbantay kay Aria kaya ngayon ako ang nandito na kasama niya.

Married To A Maniac Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon