Chapter 63: Bullet
Aria's POV
Nagsimula na akong mag impake ng mga gamit ko. Inayos ko narin ang mga papeles na dapat kong asikasuhin pabalik sa Canada.
Naka schedule na ang alis ko 3 days from now and that's a good thing.
Dumiretso na agad ako sa coffeeshop.
Naabutan ko silang tatlo na nag uusap-usap. Naglakad na ako palapit sa kanila at umupo sa tabi ni Keith. That's the only seat that is available so I have no choice but to sit beside him.
"So next week na talaga ang opening ng coffee shop natin. I'm so excited dahil finally mabubuksan na natin to." Nakangiting pahayag ni Raine.
"Pwede ko bang isama yung girlfriend ko?" Pagsabat ni Keith sa sinasabi ni Raine.
Hindi ako tumingin sa kaniya at nagkunwari nalang na hindi ko siya narinig.
"Oo naman. Si Aria? Kasama naman talaga siya dito e." Natatawang sagot ni Raine.
"Hindi si Aria, hindi ko naman siya girlfriend diba? Ibang babae. Someone who I really love." And that hits me. Ang sakit na marinig yan sa kaniya.
Bakit ba ganun? Dapat diba manhid na ako kasi lagi niya naman akong sinasaktan. Pero bakit kahit paulit-ulit niyang ginagawa, nasasaktan parin ako? Bakit ba kasi sobrang mahal ko siya? Bakit ba hindi nalang kalimutan ng puso ko yung pagmamahal ko para sa kaniya?
Sana ako naman ang magka amnesia para hindi ko na maramdaman ang sakit na 'to ulit. Iuntog ko kaya ang ulo ko sa pader siguro pag gising ko hindi ko na siya maalala. Mas mabuti yun para hindi na ako mahihirapang kalimutan pa siya.
"Hindi si Aria? Akala ko okay na kayo? Diba nagkabalikan na kayo? Sinong iba?" Nagpapalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa si Raine.
Hindi ko pa kasi nabangit sa kaniya yung nangyari sa amin kagabi. Hindi niya narin siguro kailangan pang malaman kasi hindi naman na yun mahalaga.
"Raine hindi nga ako yung mahal diba? May girlfriend na nga siya. Hayaan na natin." Nagtonong nagpaparinig ako kay Keith ng sinabi ko yan. I didn't mean that. Ganun lang sadya ang lumabas sa bibig ko.
"Wait. Ano yan Aria? Bakit may passport kang hawak? Aalis ka na?" Nakita kasi ni Raine yung passport na hawak ko habang nag-aayos ng bag.
Naramdaman kong tumingin din siya sa hawak ko pero siguro masaya siya kasi mawawala na ako sa landas niya.
"Yes. Aalis na ako. Naka sched na ang flight ko this week pabalik sa Canada." Sagot ko sa kaniya.
"Ngayong week? So wala ka na dito sa opening ng shop natin?" Sabat na tanong naman ni Pao.
"Oo pero mag vi-video call nalang ako kay Raine para maramdaman niyo parin yung presence ko." Nakangiting sagot ko kay Pao.
"Bakit ang bilis? Ilang linggo ka palang dito ahh. Sabi mo babalik ka pagkatapos natin makapag bukas ng shop? Bakit ngayon sinasabi mo na aalis ka na ngayong linggo?" Malungkot na tinanong ako ni Raine.
Hindi ko rin naman ginusto na umualis na. Actually I decided to live here again for good after the night with Keith pero kasi akala ko mahal niya ako. I was wrong when I
misinterpretend when we had SEX. I thought it was making love but then it is not."May kailangan kasi akong asikasuhin sa Canada kaya kailangan ko na talaga bumalik duon. Don't worry bibisita pa rin naman ako dito."
Hindi parin kumbinsido si Raine sa mga sinabi ko. Nakasimangot parin ang mukha niya.