Chapter 14: InvitationARIA'S POV
Pagkalabas 'ko ng banyo galing sa paliligo bigla 'ko namang narinig ang pagtunog ng doorbell kaya agad akong lumapit sa pintuan para alamin kung sino ang tao sa labas.
Pagkabukas 'ko ng pinto ay bumunggad agad sa akin ang tatlong babaeng nakacoat at nagbow sa akin.
"Goodmorning Miss. We would like to give this invitation from your parents." Sabi sa akin ni Secretary Park sabay abot ng isang napakaeleganteng blue invitation. Ano kayang event?
"Thanks ayun lang ba?" Tanong 'ko kay Secretary Park.
"Nope. They also want to give this clothes for you and for your husband." Tinanggap 'ko naman ang dalawang box na hawak ng isang kasama ni Sec. Park.
"That's all Miss. Goodbye." Nagbow ulit sila bago umalis
Sanay na ako sa ganyang pagtrato nila saakin. Lahat ng mga tauhan ni Mom and Dad tinuturing ako na parang prinsesa. Kung aakalain mo nga para na akong anak ng presidente kahit hindi.
Pagpasok 'ko sa loob agad akong umupo sa couch at binuksan ang invitation na binigay sa akin. Urgh! I forgot that today is the 50th anniversary of our company. I'm sure that this will be a big event and a lot of media will be there.
Napaatras naman ako ng may makulit na labi nanaman ang lumapat sa leeg 'ko.
"Wala na akong balak magpadagdag pa ng mga kissmarks kaya tigil-tigilan mo ako Mr. Harizon." Nangigigil 'kong saway sa kanya with matching pagduro-duro pa.
Mabilis naman siyang umupo sa tabi 'ko at ginawa pang sandalan ang balikat 'ko.
"Ano yan wife?" Napansin na niya yung mga box at invitation na nasa lamesa.
"Aniversary ng company namin at nagpadala si Mom and Dad ng invitation para sa atin." Walang gana 'kong sagot.
"E bakit nakasimanggot ang baby boo 'ko?" Humarap siya sa akin at pinisil-pisil pa ang pisngi 'ko. Ouch ahh! >_<
"Wala! Nagugutom lang ako. Magluluto na ako. Ano bang gusto mong breakfast?" Tanong 'ko sa kanya at biglang ngumiti ng nakakaloko. Gutom narin siguro 'tong kumag na 'to.
"Pwede bang ikaw nalang." Niyakap niya ako at hinalik-halikan pa ng magaan ang braso 'ko. Kahit kailan talaga hindi mo 'to makausap ng matino. Puro nalang kasi kamanyakan ang nasa isip eh.
"I can't cook myself Keith." Iritang sagot 'ko sa kanya. Bigla 'ko naman siyang narinig na tumawa ng mahina.
"Eggs, sausage, rice and black coffee will do." Pagkasabi niyang 'yun. Iniwan 'ko na siya mag-isa sa sala at dumiretso na sa kitchen.
Ako kaya anong kakainin 'ko? Binuksan 'ko ang ref at may nakita akong apple and yogart. Ayun na nga lang. Hindi naman kasi ako kumakain ng heavy meal sa umaga eh. Mahirap na baka tumaba ako noh. Nakakatamad pa naman mag exercise.
Habang niluluto 'ko ang request ng kumag na 'yun I feel someone squeezing my butt. Siguro naman hindi 'ko na dapat sabihin kung sino yun diba? Matik na.
Hinayaan 'ko nalang siya sa ginagawa niya dahil nagsasawa na akong sawayin siya. Every morning routine niya na yan. Ewan 'ko ba diyan bakit tuwang tuwa sa pwet 'ko meron naman siya.
Habang piniprito 'ko pa yung eggs tumigil na naman siya sa ginagawa niya sa butt 'ko at ipinulupot niya naman ang mga braso niya sa bewang 'ko. May sa ahas ata 'to e ang hilig pumulupot.