Chapter 23: SweetloveKEITH'S POV
Nakakapanibago ngayon si Aria. Ano kayang nakain nun? Ang sweet niya kasi. Hindi naman sa ayaw 'ko pero ang weird lang kasi. Dati kasi kapag ako nagtatampo o galit hinahayaan niya lang ako at WALA TALAGA SIYANG PAKIALAM pero ngayon di lang ako kumain naglambing na. End of the world na ba?
"Honey..." Tawag niya sa akin habang mahina na niyuyugyog yung kamay 'ko. Isa pa 'tong nakakapanibago eh. Tinatawag niya akong honey. Kinikilig tuloy ako, hindi naman kasi ganiyan yan eh. Sanay kasi ako na Keith lang yung tawag niya sa akin, pero mas okay na 'tong ganito. Kahit ano pang itawag niya sa akin okay lang. Honey man yan, Bee, Babe, Sweety, My loves o kahit tawagin pa niya akong tukmol ayos lang basta galing sa kaniya, tatanggapin 'ko ng buong-buo.
"Hon nakikinig 'ka ba sa akin?" Nakasimanggot niyang tanong.
"Sorry babe, ano nga ulit yun?"
"Ano ba kasing iniisip mo at lutang ka? Pati tuloy yung mga sinasabi 'ko hindi mo na napapakinggan."
"Wala lang yun. Ano ba ulit yung sinasabi mo?"
"Sabi ng doctor na nakausap ko pwede ka na daw e-discharge bukas kasi okay naman daw ang lumabas sa mga test na ginawa sayo."
"Ayos!" Moderate na pagsigaw 'ko.
"Bakit parang tuwang-tuwa 'ka diyan?"
"Bakit hindi? Diba sabi mo pag nakalabas na ako ng hospital we will do our second honeymoon." nginitian 'ko siya ng matamis.
"Wala kaya akong sinabi." Nakapout na sabi niya.
"Wala daw...Aminin mo na."
"Wala nga. Di 'ko nga maalala na may sinabi akong ganun eh."
Wala ahh. Ewan ko lang kung hindi ka pa umamin sa gagawin 'ko.
I pull her waist and tickled it. Para na siyang bulate na nilagyan ng asin. Ayaw pa kasing aminin na gusto niya rin ng second honeymoon eh.
"Keith tama na Hahahahahaha."
Pagmamakaawa niya habang tawa ng tawa."Sabihin mo na kasi ulit. Titigilan na kitang kilitiin."
"Hahahahahah Oo na nga."
"Anong oo na nga?"
"May sinabi na hahahaha akong mag hahahahaha se-second honeymoon Hahahaha na tayo."
I stop tickeling her when I heared what I want to hear from her.Hinang-hina siyang napasandal sa akin habang nakahawak parin sa tagiliran niya.
"I love you." Pangbawi 'ko sa kaniya. Hinampas niya naman ako ng mahina sa balikat.
Napatinggin kaming dalawa sa pinto ng biglang bumukas ito.
"Sorry guys. Did I disturb you?" Isang magandang babae na may hawak na mga prutas ang iniluwa ng pinto. Si Ate Elise.
"No Elise." Depensa ng isa pang magandang babae na katabi 'ko. Sino pa ba edi ang asawa 'ko.
"Never ka namang nakadistorbo sa akin eh. Pagpasensiyahan mo nalang kami. Naglalambinggan lang." I said.
She slowly walk toward us with a smile on her face. Tumayo si Aria at nakipagbeso na kay Ate Elise. Close na agad sila. Wow! Bilib na talaga ako sa mga bababe napaka friendly.
"Kamusta ka naman Little Bro?" Ate asked me while placing the fruits on the table.
"I'm fine and please stop calling me Little because we're not kids." Reklamo 'ko sa kaniya.