Chapter 31: The ExesAria's POV
I'm still feverish. Medyo masakit pa ang ulo ko pero hindi na ako nilalamig di kagaya kahapon na kulang nalang pumasok ako sa loob ng oven para lang hindi ginawin at mainitan ang katawan ko kahit mainit naman talaga iyon.
Bago ako umalis ay muli kong sinulyapan ang sarili ko sa salamin at inayos ang buhok kong medyo magulo. Balak ko kasing pumunta sa coffeeshop namin ni Raine dahil almost three months ko naring hindi nabibisita yun. Si Raine nalang ang nagmamanage ngayon dahil busy ako sa pagiging full time wife kay Keith. Ansabe?
Pinindot ko na agad ang alarm ng malapit na ako sa kotse ko. Mabilis ko na ring pinaandar ito. I miss my car so much. Ilang buwan ko na rin itong hindi nagagamit dahil nandito lang naman ako sa condo at kung aalis naman ako lagi kong kasama si Keith kaya sa kotse niya kami sumasakay. Tambay lang tuloy sa parking lot tong sasakyan ko.
Pagkadating ko sa cofeeshop ay may ilan-ilan ng nakapark na kotse sa harap noon pero may space pa naman para sa akin.
Lumabas na ako ng kotse at dirediretso ng pumasok sa loob ng coffeeshop. May ilang taong napatingin sa akin pero agad din namang bumalik sa kaniya-kaniya nilang ginagawa. Some are reading magazines or book, chichating with their friends and some are just drinking coffee.
"Hey! Anong masamang hangin ang nagtaboy dito sayo?" Bati ni Raine sa akin ng mapansin ako.
"Wala naman. Masama bang bumisita?"
"Syempre hindi noh. Kamusta ka na pala. Balita ko nagkasakit ka daw. Nireport ng asawa mo sa akin e."
"I'm fine. Itong coffeeshop kamusta na. Sorry hindi na kita natutulungan ahh."
"Ayos lang may tumutulong naman sa akin." Ang alam ko kaming dalawa lang naman ang may-ari nitong cofeeshop. Sino namang tutulong sa kaniya? Good Samaritan siguro.
"Who?" Kunot-noong tanong ko.
"That guy..." Sabay turo sa isang lalaking busy na nakaharap sa laptop habang umiinom ng kape. He is wearing an eyeglass but still goodlooking. Mas mukha nga lang siyang seryoso tignan.
"Puntahan mo na..." Sabi ni Raine at nginitian ako.
Dahan-dahan naman akong lumapit sa lalaking yun at hinila ang upuan sa tabi niya. Mukhang hindi naman niya napansin ang ginawa ko dahil hindi niya ako tinignan at nanatili lang na nagta-type ng kung ano man sa laptop.
I get his coffee and sip from it. Sa pagkakataong iyon ay napatingin na siya sa akin.
"That's mine---"
"Nakiinom lang naman."
"Keng-Keng..." Mukhang nagulat siya sa pagdating ko kasi nanlaki ang mata niya at napanganga pa.
"Ayos mukha." Tinapik ko ang pisngi niya para makarecover naman siya sa pagkabigla.
"Nandito ka?"
"Ay hindi wala ako dito." Sarkastiko kong sagot.
"ARIA!!!" Nabigla ako nang yakapin niya ako ng mahigpit at napatayo pa kami dahil sa sobrang saya nitong mokong.
Yung nga tao nga sa coffeeshop ay napatingin narin sa amin dahil sa lakas ng sigaw ni Derrick at sa pagtayo namin. Yung iba ay napangiti nalang pero yung mga mag-isa ay mukhang bitter na sumimangot at umirap sa nakita nila.
"Derrick nakakahiya. Umayos ka nga." Tinapik ko ng bahagya ang likod niya para sana pakalasin na siya sa mahigpit na yakap niya pero hindi talaga siya natinag dahil inangat niya pa ako na parang isa lang akong bata na mabilis lang buhatin.