Chapter 42: Babe?
Aria's POV
Lumapit ako sa table at kinuha 'ko ang phone 'ko.
Dinial ko agad ang number ni Ate Meg.
Makailang tawag din ang ginawa ko bago tuluyan niya itong sinagot.
"Aria sorry ngayon ko lang nasagot, nasa CR kasi ako. Bakit ka napatawag?" Mahinahon na sagot niya sa kabilang linya.
Naninibago talaga ako kay Ate. The way she talks towards me is highly different from before. She never says sorry especially to me, but what happen now? Saying sorry is not her thing.
"Aria? Are you still there?" Napatigil ako sa iniisip ko ng magsalita muli si Ate.
"Umm...Yes!"
"Bakit ka napatawag? May problema ba?" Nagtatakang tanong niya. Hindi naman kasi talaga ako tumatawag sa kaniya. Bakit ko naman kasi gagawin yun eh wala naman kasi kaming pag-uusapan. We're not close sisiter unlike others.
"I need your help." Bakas ang hiya sa boses ko nang sabihin 'ko yun.
Kung may choice lang naman talaga ako hindi ako manghihingi ng tulong sa kaniya, kaso wala eh.
"Sure no problem. Ano ba yun?"
"Pwede ka bang pumunta bukas dito sa ospital?"
"Huh? Aria bakit? May nangyari ba kay Keith?" Medyo nag-pa-panic ang boses niyang tanong.
"Ayos lang si Keith Ate. May gusto lang sana akong sabihin sayo ng personal."
"Ahh. Okay. I'll be there. Yun lang ba?"
"Yes. Sige Ate baka nakakaabala na ako. I'll end this call." Pinatay ko na ang tawag at napahawak ako sa ulo ko dahil sa kakaisip ng kung ano-ano.
Ayaw ko man gawin 'to pero kailangan para kay Keith. Alam ko sa sarili ko na hindi ko 'to magagawa ng mag-isa lalo na ngayong hindi ako kayang alalahanin ng sarili kong asawa.
Humiga na ako sa sofa at sumulyap muna kay Keith bago ko ipinikit ang aking mga mata.
'Sana bukas pag mulat ko ayos na ang lahat. Sana bukas paggising 'ko kilala mo na ulit ako.'
***
Bumaba agad ako sa lobby ng ospital ng mabasa ko ang text ni Ate na nagsasabi na nandito na siya.Nadatnan ko siya na nakaupo sa couch habang hawak ang cellphone niya.
"Ate..." Pagtawag ko sa kaniya.
"Ow? Hi Aria. Goodmorning." Tumayo siya at nagbeso sa akin na sobrang kinailang 'ko.
"Uhmm... Goodmorning..." Naiilang na pagbati 'ko sa kaniya.
"Ano palang pag-uusapan natin?" Nakangiting tanong niya. Good mood ata kaya ang saya ngayon.
"Ate hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kailangan kita para gumaling si Keith." Biglang kumunot ang noo niya at nagtaas ng kilay sa akin.
Sandaling natahimik siya at parang pinag-iisipan ang mga sinambit ko.
"I can't. I'm not a doctor or a nurse. I don't have any experience in healing a person. My Ghad Aria! I got a business course and not about medicine or something." Mabilis na saad niya na mukhang nairita dahil sa sinabi ko.
"What I mean Ate is some support from you. Moral and emotional...for Keith." Paglilinaw ko sa kaniya.
"Why me? Nandiyan ka naman. Kayang-kaya mo nayan. Hindi mo na ako kailangan." Hindi niya parin nga maintindihan ang pinupunto ko.