#47: Cheat

1.7K 28 11
                                    

Chapter 47: Cheat

Aria's POV

"Happy Anniversary Keith!" Malakas na sigaw ko pagkamulat na pagkamulat niya ng mata.

Kinusot-kusot niya pa yung mata niya bago ako tignan. Mukhang na weirduhan sa akin kaya pinagkunutan ako ng noo.

Sumampa ako sa kama at hinalik-halikan ko yung buong mukha niya. "Ang sabi ko happy anniversary. Two years na tayong mag-asawa!" Masaya akong tumalon-talon sa kama namin. Bumangon na siya at hinawakan niya yung kamay ko.

"Tumigil ka na nga ng katatalon mo malaglag ka pa diyan." Hinila niya na ako pababa ng kama.

"Masaya lang kasi ako kasi anniversary natin." Sabi ko sa kaniya.

"Di ko naman maalala na pinakasalan kita." Nakasimangot niya akong tinignan bago pumasok ng banyo.

Sinundan ko siya dun at nakita kong naghihilamos siya ng mukha. Niyakap ko siya sa likod at sinilip ko yung mukha niya sa salamin.

"Okay lang naman kahit hindi mo maalala yung kasal natin. Basta kailangan natin i-celebrate to." Hindi siya sa akin tumawa pero di rin naman siya malungkot. Neutral lang yung expression ng mukha niya.

Kumain na muna kami ng umagahan bago kami umalis. Sumabay lang ako kay Keith sa sasakyan niya papunta sa mall. Bibili kasi ako ng mga ingredients para sa lulutuin ko mamaya. Maghahanap narin ako ng regalo para kay Keith.

"Dito na ako Keith." Pagpapaalam ko sa kaniya bago ko siya halikan sa pisngi.

"Mag-ingat ka ahh."

"Opo. Basta Keith uwi ka ng maaga ahh. Happy anniversary ulit." Tumango lang naman siya sa akin bago ako lumabas ng kotse.

Pumasok na agad ako sa mall at pumunta na ako sa Men's Section. Nagtingin-tingin ako ng pwedeng iregalo kay Keith. Napagdesisyunan ko nalang na isang navy blue na tie ang iregalo sa kaniya. Sure kasi akong mas magagamit niya yun.

Pagkatapos kong bumili ng regalo ay pumunta ako sa supermarket para bumili ng mga ingredients. Napuno ko yung isang malaking push cart ng mga binili ko. Natagalan nga lang ako sa pamimili ng mga bibilhin ko kasi nakakalimutan ko yung mga ingredients para sa mga lulutuin ko kaya paikot-ikot ako sa buong market.

Badtrip pa kasi ang haba ng pila. Ang sakit pa naman na ng paa ko kakalakad.

Nagpaasisit nalang ako sa isang staff dun para ihatid ako hanggang sa sakayan ng taxi. Ang dami ko kasing pinamili kaya di ko naman kaya buhatin yun lahat.

Nung nasa condo na ako mga guards naman ang tumulong sa pagbaba ng pinamili ko sa taxi. Inihatid naman ako ng isang staff sa mismong unit  namin.

Pinagbubuksan ko na lahat ng bag na pinamili ko. Inayos ko narin lahat ng mga yun sa kabinet at sa lamesa.

Pinanuod ko ulit yung mga nakita kong pagluluto sa YouTube. Pinaulit-ulit ko sa utak ko yung procedures at mga ingredients. Mukhang wala naman akong nakalimutan bilhin sa mga ingredients.

Pagpatak ng alas sais ay nagsimula na akong magluto. Eight thirty pa naman ang uwi ni Keith kaya abot lang. Hindi ako magaling magluto kaya nakailang ulit ako nung ibang putahe. Minsan kasi overcook o kaya naman ang alat kaya panibago ulit yung ginagawa ko. Medyo masakit na nga yung mga kamay ko kakahiwa kasi ang dami naring sugat. Nakailang palit na nga ako ng gloves. Napaso rin ako kanina sa oven tapos natalsikan ako ng mantika. Ito rin minsan ang dahilan kung bakit ayaw ko talaga magluto.

Natapos narin ako sa pagluluto ko matapos ang dalawang oras. May 30 minutes pa naman ako para mag-ayos. Sinet ko na yung table at nilagyan ko narin ng maraming candles sa ibabaw. Nilabas ko narin yung blueberry cheese cake na paboriti ni Keith at itinusok dun yung dalawang maliit na kandila.

Married To A Maniac Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon