Guys I'm sorry this chapter is not edited again. I'm so busy at baka matagalan pa ang update ko kung i-eedit ko pa ito kaya mas pinili ko na agad na ipost kaysa matagalan. Yun lang mahal ko kayo.
Chapter 65: For real
Aria's POV
"Hon male-late na tayo sa opening ng shop!" Kinatok ko ang pintuan ng baniyo para malaman niya na nagmamadali na ako.
"Babe saglit nalang 'to!" Sigaw niya mula sa loob.
"Bilisan mo na kasi diyan!"
Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang mabaril ako. Hindi pa ako fully recovered pero hinayaan na akong makalabas ng ospital. Every 4 days bumabalik nalang kami duon for my follow up check-up.
May mga nireseta pa sa aking dagdag na gamot para sa mabilis na paghilom ng sugat ko at para narin sa pain killer.
Inaasikaso naman ni Keith ang kaso na isinampa niya para sa mga nanggulo sa kumpaniya nila at sa lalaking nakabaril sa akin.
Hindi na kami bumalik sa Condo ni Keith, yung tinirhan namin noon. Ayaw niya na daw kasi duon dahil sabi niya masyado ng marami ang mga pangit na nangyari sa lugar na yun. Kaya ngayon dito na muna kami tumutuloy sa isa pa niyang pag-aari na Condominium.
Mas maliit to kumpara sa dati naming tinirahan pero maganda rin naman. Maaliwalas ang paligid at maganda para sa pagbuo ng mga bagong alala naming dalawa.
"Buti naman natapos ka na. Kanina ka pa diyan sa baniyo ang tagal-tagal mong lumabas." Singhal ko sa kaniya pagkalabas na pagkalabas niya sa baniyo.
Pano ba naman, mag-iisang oras na siya diyan sa baniyo at ngayon lang siya lumabas. Ilang libag ba ang tinanggal nito sa katawan niya at ang tagal-tagal maligo.
"Ito namang Baby ko galit na agad." Lumapit siya sa akin at ipinulupot agad ang mga kamay niya sa bewang ko.
Amoy na amoy ko ang gamit niyang body wash sa katawan niya dahil wala naman siyang saplot sa itaas. Tangging tuwalya lang nakabalot sa kaniya. Hindi pa maayos ang pagkakapunas niya sa katawan niya kaya pati mga braso ko ay nababasa ng tubig na galing sa katawan niya.
"Ikaw kasi ang tagal mo. Baka malate na tayo sa opening ng coffeeshop natin. Magbihis ka na nga para makaalis na tayo."
Hinapas ko ang tiyan niya para umalis na sa pagkakayakap sa akin pero ang loko napaka pasaway.
"Mamaya na ako magbibihis." Tamad na sagot niya sa akin.
"Anong mamaya na? Late na nga tayo oh. Anong oras na kaya tapos mamaya ka pa magbibihis." May inis na sabi ko sa kaniya.
"Babe magloving-loving tayo." Natawa ako sa kaniya nang malambing at parang tuta niyang sinabi ang mga salitang yan.
Pigil na pigil ang tawa ko siyang tinignan sa mata. Para naman siyang aso na nagpapaganda ng mata at nagpapacute.
Bigla siyang ngumuso sa akin at pumikit. Naghihintay siya ng halik pero hindi ko siya pinagbigyan. Aasarin ko lang naman tong lokong 'to eh.
"Magbihis ka na. May pa loving-loving ka pa diyang nalalaman." Hinampas ko ang mukha niya at tinulak para magbihis na siya pero ang mokong eto ang kulit. Mas niyakap lang ako ng mahigpit.
"Quicky lang Babe." Bulong niya sa tainga ko at talagang pinagtaasan ako ng balahibo. Letse talaga 'tong lalaking 'to ginagamit nanaman ang kahinaan ko.
"Keith late na tayo ano ba? Magbihis ka na?" Kung saan-saan ko na binaling ang leeg ko dahil nakikiliti ako sa ginagawa niya. Dinidiin ba naman ang baba niya sa balikat ko. Kainis talaga 'tong lalaking 'to.