Chapter 16: DysmenorrheaKEITH'S POV
"Aray! *sob* Ang sakit *sob*" Nagising ako nang may marinig akong humihikbi. Alam 'kong si Aria yun kaso hindi 'ko alam kung ano bang nangyayari at umiiyak siya.
Agad akong tumayo mula sa pagkakahigga 'ko at tinunggo ang banyo kung saan nanggaling ang pag-iyak.
I slowly open the door and I saw Aria sitting on the toilet. Halos nakayuko na siya habang ang mga kamay niya ay nakahawak sa puson niya. Wala na rin siyang damit pang-ibaba at nakita 'ko ang underwear niya na puno ng dugo. Pero hindi 'ko nakita yung ano niya. Basta alam niyo na yun.
"Shit! Aria nakunan 'ka ba? Sabi 'ko naman kasi sayo wag kang magbubuhat ng mabibigat eh. " Bigla naman siyang napaangat ng tinggin sa akin at agad akong binato nung tissue na hawak niya.
"Wala akong panahon makipaglokohan sa'yo kaya tumigil ka ng kalokohan mo." Hala! Akala 'ko kasi mapapatawa 'ko siya eh.
"Sorry na po." Muli ulit siyang yumuko at nakita 'ko ang mabilis na pagtulo ng mga luha niya sa kanyang pisngi.
"Keith can you get me a napkin?" Mahina niyang bulong kaya mabilis na akong lumabas ng banyo at dumiretso na sa cabinet niya.
Mabilis 'ko naman yung nakita kaya kumuha na ako ng isa at kumuha narin ako ng underwear at pajama niya.
Tinanggal 'ko yung napkin sa lalagyan nun. Paano ba maglagay ng napkin sa panty?
Binuklat 'ko yung napkin tapos nakita 'ko sa ilalim na may nakadikit na papel tinggal 'ko iyon at nakita 'ko na may kung anong malagkit sa ilalim. Ayun siguro yung pandikit? Mukha naman diba?
Nilagay 'ko naman yun doon sa pinakapundilyo ng undrewear niya. Ay ang galing dumikit nga! Hahahaha ^_^ marunong na ako maglagay ng napkin sa panty!
Eh pano naman 'tong dalawang maliit sa gilid? May nakalagay din na papel eh.
Kinuha 'ko yung lalagyan ng napkin ni Aria at binasa 'ko ang nakalagay doon. Napkin with wings. May pakpak na pala ang mga napkins? Ang galing naman.
Pumasok na ulit ako doon sa banyo at nakita 'kong mukhang hinang-hina na siya at ang tamlay niya.
"Aria kapag sinuot mo ba 'tong napkin lilipad 'ka?"
"Huh?" Nagtataka niyang tanong.
"Kasi may wings eh." Binigyan niya ako ng masamang tinggin kaya hindi na ulit ako nagsalita.
Ibinigay 'ko na sa kanya yung underwear niya at yung pajama at lumabas na ng banyo.
Ano ba yan nakakacurious naman. Lilipad kaya si Aria? Kumuha ulit ako ng napkin at tinanggal 'ko ulit yun sa lalagyan niya at ibinato 'ko. Hala! Sinunggaling 'tong napkin na 'to ahh. May wings pero hindi lumipad. Baka imitation lang. Hayaan 'ko na nga lang 'yung napkin na 'yun.
After a couple of minutes she came out. Inalalayan 'ko siya hanggang sa makaupo sa kama.
Nang nahawakan 'ko ang braso niya naramdaman 'ko agad na mataas ang temperature ng katawan niya. Hindi naman ganoon kataas pero halatang may sinat siya.Sinuklay 'ko muna ang buhok niya dahil halatang hindi niya yun nagawa nung gumising siya. Pagkatapos 'kong suklayin yung buhok niya itinirintas 'ko na yun. Oh gulat kayo noh? Ang galing 'ko kaya magipit ng buhok. Ayun kasi yung laging pinapagawa ng Ate 'ko sa akin.
"Babe may masakit ba sayo?" Tanong 'ko sa kanya habang nasa likuran niya parin ako.
"Nahihirapan akong huminga..." Mahina niyang salita.