Chapter 40: He's awake
Aria's POV
Parang tumigil ang pagtibok ng puso 'ko. Hindi ko na maramdaman kung may hangin pa bang pumapasok sa baga 'ko. Maging ang luha na kanina'y walang tigil na dumadaloy ay agad huminto.
Hindi ko alam kung anong dapat gawin. Nabigla ako sa mga pangyayari. Hindi ko inaasahan na ito ang madadatnan 'ko.
He's awake...He's finally awake.
Hindi ako nakagalaw sa pwesto 'ko dahil sa pagkabigla. Masaya ako, sobrang saya 'ko.
"Hindi ako makahinga ng maayos. Bakit ba ang dami niyo dito? Huwag niyo nga ako paligiran." Agad na lumayo ang ibang nurse at doctor na nakapalibot kay Keith nang naiiritang nagreklamo ito.
"I'm sorry Sir, we're just checking your condition." Paliwanag ng doctor.
Hindi naman na siya pinansin ni Keith at kay Tita Cielo na tumuon ang pansin niya. Nakita niya kasi ito na walang tigil sa paghagulgol at halata sa mukha ni Keith na nagtataka siya sa naging reaksiyon ng mama niya.
"Mom, what's wrong? Why are you crying? Look like I'm gonna die." Kunot-noong tanong niya.
Kumalas sa pagkakayakap si Tita Cielo kay Tito Raf at agad na hinawakan ang mukha ng anak niya.
Alam kong masaya lang din si Tita na gising na ang anak niya at hindi na niya napigilan ang emosyon kaya ganoon nalang ang naging reaksyon niya.
"I'm very happy anak. Sa wakas gising ka na. Ang tagal naming hinintay na magkaroon ka ng malay and finally dumating na rin ang araw na 'to." Hindi mapigilan ni Tita ang saya na nararamdaman niya at agad na niyakap si Keith.
"Bro buti nalang natauhan ka na. Akala ko sa impyerno pa tayo magkikita." Pabirong sabi ni Gian.
"G*go! Ikaw lang pupunta doon. Huwag mo na akong isama." Ganti naman ni Keith.
Nanatili lang ako na nakamasid sa kanila habang nakangiting nakikipagbiruan siya kay Gian. Napapangiti nalang ako sa loob-loob ko dahil natupad na ang hiniling ko. Nakita ko na ulit siya na nakangiti at higit sa lahat ay may malay. Hindi nga siya mukhang galing sa coma dahil ang lakas-lakas na niyang tignan. He's very energetic actually.
"Bro, nandito na pala ang asawa mo. Hindi manlang natin napansin ang gulo mo kasi eh." Tumingin si Gian sa akin saka nginitian ako ng makahulugan.
Parang bumagal ang pagtakbo ng oras nang dahan-dahan ng lumingon sa kinaroroonan ko si Keith.
Agad na nagtagpo ang mga mata namin at hindi ko mapigilang ngumiti. Sinuklian niya rin naman ako ng napakamaaliwalas na ngiti na matagal ko ng hinihintay simula nung nawalan siya ng malay. Parang hindi siya galing sa aksidente at ang sarap lang sa pakiramdam na makita ulit yung lalaking pinakamamahal mo na nakangiti sayo at sabik na sabik na makita ka.
"Hindi ka manlang nagsalita. Nandito ka na pala. Ikaw nga agad ang hinanap ko kanina pag gising 'ko kaso wala ka naman."
Hindi parin nawawala ang ngiti sa mga labi niya at ang mga kinang sa mata niya habang sinasabi niya ito sa akin.I felt bad dahil hindi ako yung nasa tabi niya nung nagising siya pero ang importante naman diba ay may malay na siya. Hindi na importante kung sino ang una niyang nakita.
"Didn't you miss me?" Kunwari'y nasasaktan na tanong niya habang pinapaamo pa ang mukha at parang gustong-gusto na agad akong mayakap.
Hindi ko parin kasi siya nilalapitan kahit na kinausap niya na ako kaya ayan siya inip na inip na malapitan.