Chapter 53: Attiya Abigail
Aria's POV
5 months....
Limang buwan na ang baby sa tiyan ko. Mas visible na ang baby bumps ko. Natutuwa nga ako kasi apat na buwan na lang makikita ko na si Baby. Excited na akong mag-ayos ng mga gamit niya. Yung kwarto niya sisimulan ko ng ayusin kapag nalaman ko na ang gender niya.
Tinawagan ko na si Keith para magpasama sa kaniya sa ospital. Ngayon kasi ako naka schedule ng ultrasound.
"Hello Keith." Masigla kong pagbati sa kaniya pagkasagot niya ng tawag ko.
'Bakit ka tumawag?' Malamig na boses na tanong niya sa akin.
"Diba magpapasama ako sayo sa ospital. Ngayon kasi yung ultrasound ko. Malalaman na natin kung babae o lalaki yung baby natin." Masaya kong sabi sa kaniya.
'Nakalimutan ko.' Walang gana niyang sagot.
"Sunduin mo na ako. Excited na kasi ako."
'Ahh hindi kita masasamahan ngayon. Magpasama ka nalang sa iba.' Nawala ang mga ngiti sa labi ko nang sabihin niya yun. Hindi nanaman siya makakasama?
"Bakit?" Malungkot na tanong 'ko.
'Fitting kasi ngayon ng wedding gown ni Megan kaya hindi kita masasamahan. Busy ako.'
Mas importante pa ba ang kasal nila kaysa sa pagbubuntis ko? Gusto ko sana yan itanong sa kaniya pero hindi ko na ginawa. Alam ko naman kasi ang magiging sagot niya. Oo mas importante pa si Ate kaysa sa akin at sa anak niya. Ayaw ko lang marinig yun mula sa kaniya kaya hindi ko nalang itinanong.
"Ganun ba? Sige babalitaan nalang kita. Ingat ka diyan."
'Okay' At pinatayan niya na ako ng tawag.
Kahit naman sinabi niyang gagawin niya ang responsibilidad niya bilang ama sa anak namin, hindi naman niya ginagawa. Sa tuwing magpapasama ako sa mga check-up na pupuntahan ko lagi siyang maraming excuse.
Hindi ko naman maramdaman na ginagawa niya ang parte niya bilang ama sa anak ko. Hindi narin ako aasa na mangyayari yun. Masakit man tanggapin pero mukhang lalaki ang anak namin ng walang ama sa tabi niya. Ngayon pa nga lang hindi ko na alam kung paano ko ipapaliwanag sa anak ko kung bakit wala siyang Daddy sa tabi niya. Kung bakit yung daddy niya may ibang asawa. Hindi ko lang alam ang gagawin ko. Sumasakit lang ang ulo ko.
Kinuha ko na ang purse ko at lumabas na ng unit. Ayaw kong malate sa appointment ko. Nagtaxi nalang ako papunta sa ospital. Hindi ko narin kasi kaya magdrive.
Pagkarating 'ko sa ospital, naghinatay ako sa labas ng Ob-gyn. Duon nakita 'ko ang mga kapwa ko buntis. May ilan na malalaki na ang tiyan. Tingin ko kabuwanan na nila.
May lumapit sa akin na isang babae at hinawakan ang tiyan 'ko. Medyo nagulat ako sa ginawa niya pero nginitian ko nalang siya.
"Ilang buwan na ang baby mo?" Nakangiti niyang tanong sa akin.
Malaki narin ang tiyan niya at nakita ko na may batang babae na nasa tabi niya at nakahawak sa bistida niya. Anak niya siguro. Nginitian ko ang bata pero nagtago lang siya sa likod ng mama niya. Ang cute niya.
"Five months." Sagot ko sa tanong niya.
"Tingin ko maganda o kaya gwapo 'tong baby mo. Ang ganda kasi ng mommy."
"Hindi naman." Nahigiya 'kong sagot sa kaniya.
"Nasan ang asawa mo? Yung daddy ng baby mo? Pansin ko kasi ikaw lang ang walang kasamang asawa sa ating lahat." Pilit nalang akong ngumiti sa kaniya kahit na medyo nawala nanaman ako sa mood dahil sa tanong niya.