Chapter 36: Secret
Aria's POV
Dahil nga gabi-gabi kami ni Keith na may ginagawa, gabi-gabi rin kaming umaasa na may mabubuo na. Araw-araw akong nag pe-pregnancy test at halos araw-araw din kaming nabibigo.
Naluluha akong lumabas mula sa baniyo matapos ko muling mag pregnancy test at naabutan ko si Keith na nasa mismong harapan ng pinto, naghihintay sa paglabas ko.
Hindi ako nagsalita at malungkot nalang akong tumingin sa kaniya.
Mukhang alam niya narin ang resulta ng test na ginawa ko dahil hindi na siya nagtanong pa at bigla niya nalang hinigit ang braso ko at niyakap ako ng mahigpit.
Hindi ko alam kung nakatulong ba ang pagyakap niya sa akin o hindi dahil mas naluha lang ako at mas bumigat pa ang pakiramdam ko.
"Susubukan ulit natin. Huwag ka ng umiyak. Tahan na." Hinahaplos niya ang likod ko at pilit niyang pinapatigil ang pagtangis ko.
"Babe maghintay lang tayo. Maybe this is not the right time for us to have a baby. It can be tomorrow or maybe the next day."
Kumalas ako sa pagkakayakap niya at pinunasan ko na ang luha na patuloy parin na lumalandas sa aking mukha.
Tumulong siya sa pagpunas ng mga luha ko bago ako binigyan ng magaan na halik sa noo.
Somehow, it helps me to ease. But still, there's a pain. A pain that I can't hide because I know that it is obvious on my face.
"Babe, marami pa tayong oras para makagawa ng baby. Don't lose hope."
Tumango nalang ako sa kaniya at pinilit ngumiti kahit sa loob-loob ko ay nasasaktan talaga ako.
Ang hirap tanggapin na kahit ginagawa na namin ang lahat ay wala parin nangyayari. Bakit hindi namin magawang makabuo ng bata?
"Where do you want to go? Mall? Church? Park? Beach? Kahit saan mo gusto dadalhin kita basta mabawasan lang yang lungkot sa mukha mo."
Umiling ako. "I'm fine. Dalhin mo nalang ako sa bahay. Makikipagkwentuhan nalang ako kay Raine and you, you should go to work. Ilang araw ka ng absent tapos bukas pupunta ka na ng Davao. I'm sure they are all looking for you Mr. CEO."
Hindi niya na ako pinilit na pumunta kung saan mang lugar at hinatid niya nalang ako sa bahay. Minsan nga nahuhuli ko pang tumitingin sa akin habang nasa kotse kami at napapabuntong hininga nalang.
Sigurado akong hindi talaga siya kumbinsado na maayos na ako kaya hirap na hirap siyang iwanan ako sa bahay.
"Oh? Ano ng plano mo?" Nagkibit balikat lang ako sa tanong ni Raine.
Ikwinento ko kasi sa kaniya lahat ng plano namin ni Keith about having a family pagkarating ko palang sa bahay at ito mukhang pati siya ay nahihirapan sa nangyayari sa akin ngayon.
"Hindi ko alam. Maghihintay nalang siguro kami kung kailan may mabuo, wala naman kaming ibang choice kundi yun."
"Nagtataka lang ako. Bakit mo pala naisip na magkaroon na ng baby? I mean, hindi naman masama yun pero kasi parang hindi mo gusto yun dati."
"I don't know. Hindi ko na nga rin makilala ang sarili ko dahil sa mga pinag-iisip ko lately."
Sigurado talaga akong nag-iiba na ang pag-iisip ko nitong mga nakaraang araw. Puro nalang about family ang nasa utak ko at hindi ko na ngayon naiisip kung paano mas mapapaganda ang sarili ko o yung mga dating priorities ko sa buhay.
"I'm sure magkakaroon din kayo ng baby. We just need to be patient and wait for a meantime."
Napatingin ako bigla sa staircase nang may marinig akong malakas na tunog ng sapatos mula sa babaeng pababa ng hagdan. Mukhang narinig niya lahat ng pinag-usapan namin dahil base palang sa ngisi sa mga labi niya ay bakas na agad ang panunuya.