Chapter 43: Home
Aria's POV
Buong akala ko ay naalala niya na ako. Umasa ako na gumaling na siya pero hindi pa pala.
Ang sabi ng doktor ay wala paring pagbabago sa kaniya. Naalala niya lang ako ng kulang-kulang sampung minuto tapos wala na ulit. Hindi niya na ulit ako makilala. Naitulak niya pa nga ako nang makita niya ang sarili niya na nakayakap sa akin.
Tinatanong niya kung bakit ko siya niyayakap well in fact siya naman talaga ang yumakap sa akin.
Ilang therapy narin ang nagawa ni Keith at nakikita ko naman ang improvement sa kaniya. Kaya niya ng tumayo ng mag-isa at nakakapaglakad narin siya.
Sa tulong ni Ate Meg nagbalik na ulit yung lakas ni Keith. Everyday kasi niyang binibisita si Keith at binibilinan na magpagaling kaya ayun napursige siya na magpagaling. Lahat ng gamot niya iniinum niya at nakikinig narin siya sa akin.
Nakiusap narin ako sa doctor ni Keith na kung pwede ay madischarge na siya. Pumayag naman ang doktor kaya ngayon ay paalis na kami sa ospital.
Mahigit isang taon rin kaming naglagi dito sa ospital at gustong-gusto ko ng umuwi. Sumasakit na ang mata ko dahil puro puti lang ang nakikita ko. Ayaw ko narin yung amoy gamot dito sa ospital.
"Keith okay ka na ba? Aalis na tayo." Sigaw ko sa kaniya habang kumakatok sa pinto ng banyo. Kanina pa kasi siya dun at ang tagal-tagal lumabas.
Excited narin si Keith na makaalis dito. Nung isang linggo pa nga siya nagyaya na umuwi pero hindi pa kasi pumayag yung doktor.
Ilang minuto rin ay lumabas narin siya sa banyo. Mukhang hindi naman siya nagkasakit kasi ang gwapo niya.
Nakasuot siya ng navy blue na t-shirt, white pants at tsinelas. Mainit daw kasi sa paa ang sapatos kaya ayun nalang ang sinuot.
"Ria tara na." Aya niya sa akin sabay higit sakin palabas ng kwarto.
Medyo sumakit yung braso ko dahil ang higpit ng pagkakahawak niya dun nung hilain niya ako.
Pumasok na kami sa kotse at sinimulan niya ng paandarin iyon. Sabi ko nga kanina sa kaniya ako nalang ang mag da-drive kaso masyado talaga siyang makulit at pinagpilitan talaga na siya na.
Natatakot nga ako kasi baka hindi na siya marunong magdrive. Ang sabi ba naman sa akin ay ako lang naman daw ang hindi niya maalala. Alam pa daw niya kung paano mag drive kaya hinayaan ko nalang, wala rin naman akong magagawa eh.
"Hey can you slowdown?" Sita ko sa kaniya dahil sobrang bilis ng pagpapatakbo niya sa kotse. Kulang nalang lumipad kami.
"Mabagal na kaya 'to." Nakangiting sagot niya habang nakatingin sa daan.
Mabagal pa 'to sa kaniya? Grabe feeling ko makakarating kami sa bahay ng limang minuto lang. It's a good thing kaso baka maaksidente nanaman kami at bumalik na naman kami sa ospital. Kakalabas lang namin at wala na akong balak na bumalik dun.
"Keith I said slowdown!" Sigaw ko ulit sa kaniya.
Tumingin siya sa akin at nakita niya sigurong namumutla na ang mukha ko kaya medyo binagalan niya na. Kahit papano nakahinga ako ng maayos. Pakiramdam ko kasi kanina nasa rollercoaster kami.
"Relax lang. I'm good in driving." Cool na sagot niya sa akin sabay patong ng kamay niya sa hita ko.
Yup naniniwala naman ako na magaling siya sa pag-da-drive pero hindi ko parin kayang kumalma. Naaksidente na kami one time nung kasama ko siya pero dahil naman yun sa kalandian niya. Ayaw kong maulit nanaman yun.