Chapter 37: Emergency Landing
Aria's POV
"Hon pwede ba na e-postpone mo nalang yung appointment mo sa Davao?" Niyakap ko siya mula sa likod habang naka harap siya sa salamin at inaayos ang kaniyang damit.
"Babe hindi pwede kasi sobrang importante ng client na yun."
"Keith....please...."
"Bakit ba pinapa-postpone mo? Kasama naman kita dun. Anong problema?" Natatawa niyang tanong habang nagsusuklay ng buhok.
"Masama yung pakiramdam ko. Feeling ko ang bigat ng katawan ko. Ayaw kong umalis. Dito nalang tayo." Para akong bata na hinihigit ang laylayan ng damit niya habang nagpapaawa yung mga mata. Siya naman tawang-tawa lang sa ginagawa ko.
"Babe huwag kang makulit. Mukhang wala ka namang sakit. Siguro nabitin ka lang sa ginawa natin kagabi kaya ka nagkakaganyan. Gusto mo quickie tayo ngayon para ganahan ka ng umalis."
Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti habang dahan-dahan niya ng tinatanggal yung belt niya.
Agad kong tinangal ang kamay ko sa laylayan ng damit niya pero bigla niya rin hinuli iyon.
Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang ipasok ang kamay ko sa loob ng pants niya kaya ramdam na ramdam ko na ang nasa loob noon. I feel something long, big and HARD.
Tinatanggal ko ang kamay ko pero dahil sobrang higpit ng hawak niya dito ay hindi ko maalis sa loob ng pants niya. Nag-init at namula ang mukha ko nang mas iparamdam niya pa sa ang nasa loob noon.
Nagipon ako ng lakas at gamit ang kaliwang kamay ko na libre ay mabilis kong hinigit ang kamay ko na nasa pants niya. Hinampas ko agad ang dibdib niya dahil sa inis.
"Napaka manyak mo Keith! Kadiri ka! Kadiri ka!" Gigil na gigil ko siyang hinahampas pero ang mokong walang ibang ginawa kundi tumawa.
"Ngayon ka pa nandiri, ilang beses mo na yang nahawakan. Diba natikman mo pa nga." Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya.
Tinulak ko agad siya ng malakas at ginulo ko ang buhok ko dahil sa gigil ko sa kaniya habang padabog na lumalabas ng kwarto.
"Bwisit ka Keith!" Padabog kong sinara ang pinto pero hanggang sa sala rinig na rinig parin ang pagtawa niya. Punyeta!
"Babe balik ka na dito. Tuloy na natin!" Tinakpan ko nalang ang tenga ko at pilit hindi siya pakinggan pero rinig ko parin ang boses niya kahit anong gawin ko.
Minsan talaga hindi ko na alam ang gagawin sa mokong na 'to kapag umaatake ang kamanyakan. Kailangan na siguro niya ng gamot sa sakit na to. How I wish may makaimbento ng gamot para doon at pinapangako ko na ako ang unang-unang bibili.
"Sige ako nalang lalabas. Maghanda ka na Babe ah."
Mas mabilis pa sa kabayo akong tumakbo papunta sa kitchen at nagtago sa gilid ng ref. Niyakap ko ang tuhod ko habang nagkukubli sa gilid noon.
Narinig ko na ang pagbukas ng pinto sa kwarto namin at ang mga yabag ng paa niya. Pakiramdam ko nasa horror film ako ngayon tapos ako yung bida na hinahanap nung zombie.
"Aria where are you?" Sumigaw siya nang napagtanto na wala na ako sa sala.
"Babe lumabas ka na!" Mas palapit ng palapit ang mga tunog ng sapatos niya mula sa kinaroroonan ko kaya lalo akong hindi gumawa ng ingay.
Sigurado kasi ako na kapag nakita niya ako ay diretso nanaman kami sa kama kaya ayaw kong magpakita sa kaniya.
Last night hindi ko na mabilang kung nakailang rounds ba kami dahil hindi niya talaga ako tinigilan. Bilib nga ako sa kaniya dahil ang lakas ng stamina. Pagod na pagod na ako sa ginagawa namin pero siya parang hindi manlang nababawasan ang energy kaya ako ang kawawa.