#52: Daddy

2K 43 9
                                    

Chapter 52: Daddy

Aria's POV

Medyo nahihilo pa ako nang sinimulan ko ng ibukas ang mga mata ko. Puting kisame lang naman ang sumalubong sa akin.

Sigurado akong nasa ospital ako pero paano naman ako napunta dito? Hindi ko na matandaan ang mga nangyari sa akin bago ako mawalan ng malay. Ang huli ko lang na naalala ay hinahabol ko ang sasakyan ni Keith.

"Sa wakas gising ka na rin." Napabaling agad ako sa may pintuan nang marinig ko ang boses ni Raine.

May dala-dala siyang mga pagkain at mukhang galing sa labas. Dahan-dahan ko ng binuhat ang sarili ko para makaupo. Wala namang ibang masakit sa akin kundi ang ulo ko lang.

"Paano ako napunta dito?" Mahina 'kong tanong habang inaayos ang kumot upang ibalot sa katawan ko.

Lumapit na sa akin si Raine dala-dala ang pagkain na kaninang hawak niya. Tinanggap ko na yun at nagsimula ng sumubo ng kanin.

"Yung mga guard dun sa condo niyo ang tumawag ng ambulansiya. Nung nakarating ka dito tsaka ako tinawaganan ng nurse." Paliwanag niya sa akin.

Ibinaba ko na ang pagkain ko at uminom na agad ako ng tubig. Wala naman akong ganang kumain kaya nakailang subo lang ako.

"Ganun ba? Ano bang nangyari?" Naguguluhan ko siyang tinanong habang iniisip ko parin ang nangyari kanina.

"Well nagpaulan ka lang naman sa parking lot at ayun nawalan ka ng malay. Ano bang iniisip mo at ginawa mo yun? Hindi mo ba alam na makakasama yun sa baby? Tanga-tanga mo naman insan." Medyo naiinis niyang sagot sa akin. Pero ano yung baby na sinasabi niya?

"Baby?" Naguguluhan kong tanong.

"Yung baby diyan sa tiyan mo. Ano pa bang baby ang sinasabi ko?----Oh my ghad! Don't tell me hindi mo alam?" Pinanglakihan niya ako ng mata na halatang gulat na gulat. Kahit ako nagugulat sa kaniya kahit hindi ko naman alam kung ano ba ang kinakagulat niya.

"Ano yung hindi ko alam?Pati ano yung baby?" Napatakip si Raine ng bibig at mas nakita ko na lalo siyang nagulat.

Naguguluhan na ako sa mga reaksiyon ni Raine. Hindi ko na siya maintindihan. Ano ba kasi ang mga pinagsasasabi niya?

"Aria buntis ka. Sabi ng doktor dalawang linggo na daw yung baby sa tiyan mo. Hindi mo talaga alam?" Napatingin agad ako sa tiyan ko at marahan kong hinaplos ito.

May baby na ako? Totoo bang may baby na ako?

"Buntis ako?" Naluluha ngunit nakangiting tanong ko kay Raine.

Hindi ko parin tinitigilan ang paghaplos sa tiyan 'ko. Hindi ako makapaniwala na may baby na ako.

"Yes Aria. Buntis ka. Congrats insan magkakaroon narin ako ng pamangkin." Lumapit sa akin si Raine at niyakap niya ako.

Naluluha ko siyang niyakap pabalik. 'Buntis ako.' Ayan lang ang paulit-ulit na sinasabi ko sa utak 'ko.

Pinipilit 'kong kumbinsihin ang sarili ko na maniwala kay Raine na buntis ako pero gulat lang ang nararamdaman ko ngayon. Hindi parin pumapasok sa isip ko na buntis ako.

"R-Raine may baby na ako." Umiiyak kong sinasambit yan sa kaniya.

Naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa likod 'ko.

"Oo Aria may baby ka na. Finally may nabuo narin after a long time." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.

Hindi ko talaga mapigilang maluha dahil sa napakagandang balita na narinig ko ngayon. May maganda ring nangyari sa buhay 'ko. After ng mga sakit na naranasan 'ko, dumating din sa wakas ang regalo ng Diyos sa akin. Dumating din ang baby ko.

Married To A Maniac Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon